TPP 2 : Powerful Elements Chapter 29 : Encounter _____________________________ Seanica POV Nandito kami ngayon sa dorm namin. So far, wala namang nangyari simula nung dumating ang lima. Tatlong araw na ang nakakalipas at naibigay na rin namin ang mga impormasyon sa president tungkol sa away ng dalawang jucians. Hindi ko na pinakinggan pa ang pinag-uusapan nila dahil hindi naman ako interesado dun. Mas interesado ako sa lima. "Seanica!" Tumingin ako kay Mike ng tawagin nya ako. "Bakit?" tanong ko. "Aalis lang muna kami" sabi nya dahilan tingnan ko sila. "Kayong apat?" tanong ko. "Nope! Kaming tatlo lang" sabi ni Bellear. "Bakit?" tanong ko at umayos ng upo. "Pupunta lang kami sa mall para bumili ng mga gamit. You know, wala na kaming masyadong damit saka para naman makabili ri

