TPP 2 : Powerful Elements Chapter 27 : New Magicians _____________________________ Seanica POV Nandito kami ngayon sa SSG Office. Nandito lahat ang mga officers ng iba't ibang level dahil may magaganap daw na pagpupulong. Isang linggo na ang nakakalipas simula ng dumating ako dito. Naging busy kami pero hindi hadlang iyon para hindi ko makasama si mom kapag bibisita sya dito. "Ano po ang ipagpupulong natin, ate Rain?" tanong ni Bellear kay ate Rain. Ang president ng white senicians. "Nais kong malaman kung ano na ang mga nagaganap sa mga kalevel nyo?" tanong ni Ate Rain. Napatingin saakin sila Bellear habang ang ibang officers ay napapatingin sa mga presidents nila. "Saaming mga Junicians, so far wala namang kaguluhang nagaganap" Napatingin kaming lahat kay kuya Wen. Ang Preside

