TPP 2 : Powerful Elements
Chapter 02 : Anniversary
_______________________________
Anica POV
Ngayong araw, ipagdidiriwang namin ang ika-30th anniversary ng Athena Academy. Nandito kami ngayon ng anak ko sa Athena Academy, to be exact sa office ko. Inaasikaso ko ang gaganaping celebration mamaya. Hinayaan ko muna ang anak ko na maglaro sa labas habang andito ako sa opisina.
"Excuse me ma'am?"
Napaangat ako ng tingin at napabuntong hininga nalang.
"Wag mo akong pagtripan ngayon Cassandra. Marami pa akong gagawin" mahinang sabi ko, sapat lang para marinig niya.
"Ma'am, heto na po lahat yung pinapagawa nyo" nakangising sabi niya.
Tiningnan ko sya ng masama dahilan mapaayos siya ng tayo. Ano ka ngayon HAHAHA!
Kinuha ko sa kanya ang folder na inaabot niya saakin kung saan nakalagay ang organize ng event. Tiningnan ko ito at napabuntong hininga nalang sa dami ng pangalan ang nakalista dito.
Open kasi ang Academy mamaya kaya malayang makapasok ang lahat. Kailangan ko kasing malaman ang mga pangalan nila ng sa gayon, kapag may nawala man o ano pa mang ganap ay malalaman naming kung sino at ilan.
Matapos kong i-scan ay agad ko ring nilagay sa shoulder bag ko. Pinagsama-sama ko muna ang mga folder sa lamesa saka ako tumayo
"Tara, kain muna tayo"
"Pero, paano tong mga ginagawa mo?" tanong ni Cassandra
"Mamaya na yan. Nagugutom na ako" sabi ko sa kanya dahilan tumango siya.
Agad naman kaming lumabas ng opisina at nagpunta na sa eating area. Saktong lunch time na rin kaya may nakasabay kami mga estudyante maglakad.
***
Andito na kami ngayon sa eating area. Saktong nakita ko ang anak ko.
"SEANICA!"
Ngumiti ako ng mapalingon siya saamin.
"MOMMY! TITA!" masayang wika niya.
Natawa na lamang kami ni Cassandra ng makita naming mabilis tumakbo saamin papalapit si Seanica. Sinalubong naman namin siya ng yakap ni Cass.
"Ano ang ginagawa mo dito anak?" tanong ko sa kanya.
"Nagugutom po kasi ako mommy kaya nandito po ako" sagot nya.
Pinaupo ko siya agad sa tabi ko at agad kami bumili ng pagkain.
"Hindi ba naglalaro ka kanina?" tanong ni Cass kay Seanica.
Tanging tango lang ang binigay ni Seanica sakanya.
"Kung ganun, sino ang mga kalaro mo anak?" tanong ko habang inaayos ang mga pagkain na binili namin.
"Ah, mga fairies lang po mommy" sagot niya.
Tumango lang kami at agad kumain na.
"Anak, may gagawin ka ba ngayon?" tanong ko kay Seanica matapos namin kumain.
"Wala na po mommy" sagot nya saakin dahilan tingnan ko si Cassandra.
"Ikaw na ang magbihis sakanya, tatapusin ko pa yung mga iniwan ko dun" bilin ko sa kanya at saka kami tumayo.
Tumingin ako kay Seanica habang naglalakad na kami paalis
"Anak, si tita muna ang bahala sayo. May gagawin lang si mommy. Okay ba yun anak?" sabi ko sakanya.
Tumango lang siya at ngumiti. Hinalikan ko siya sa noo habang siya ay hinalikan ako sa pisngi. Nagpaalam na sila saakin dahilan magsimula na rin ako maglakad pabalik sa office.
***
Katatapos ko lang sa mga gawain ko. Tinawag ko ang assistant ko at binigay sakanya ang lahat ng papeles na tinapos. Nagpaalam ako sa kanya at agad nagteleport sa harapan ng palasyo ko.
Napangiti na lamang ako ng pagmasdan ko ang palasyo ko. Ilang taon rin itong nawala at sa wakas naibalik ko rin. Hindi ko na kailangan pang itago. Maayos na ang lahat.
Pumasok na ako sa loob at saktong nakasalubong ko sila Cass.
"Ang ganda naman ng anak ko" nakangiting sabi ko ng makita ko ang aking anak.
"Thanks mommy! Magbihis na po kayo mommy para sabay na po tayo pumunta doon" nakangiting wika ni Seanica. Napangiti ako sakanya at tinanguan lamang siya.
Tiningan ko muna si Cass bago ako nagtungo sa aking kwarto. Mabilis lamang ang naging kilos ko dahilan matapos ko mag-ayos ay lumabas din agad ako. Nakita ko namang hinihintay nila ako. Napangiti sila ng mapatingin sila saakin.
"Wow mommy! Ang ganda nyo po" manghang wika ng anak ko dahilan matawa ako.
"Ikaw rin naman anak, syempre pati na rin ang tita Cass mo" sabi ko at tumingin kay Cass. Baka magtampo pa ang isang to HAHAHA.
"Tara na mommy! Malapit na pong magsimula" excited na sabi ni Seanica at hinawakan ang kamay namin ni Cass. Nasa akin ang kanyang kanang kamay habang nakay Cass naman ang kanyang kaliwang kamay.
Napatingin naman ako sa aking orasan at napag-alamang 7:55 na. Nagsimula na kaming maglakad palabas ng palasyo. Simple lang naman ang aming mga suot. Nakalila na dress lamang naman ako habang naka pulang dress naman si Cass samantalang ang aking anak ay may halong pagkaputi ang kulay dilaw na dress niya.
Mabilis naman kaming nakarating sa gate at dun namin nakita ang kalesang naghihintay saamin para ihatid kami sa venue ng events. Agad kaming sumakay at di nagtagal, nakarating din kami.
Pagkapasok namin ay siyang palakpakan ng mga tao dito. Ngumiti kaming tatlo sa kanila hanggang sa marating namin ang harapan. Tiningnan ko ang lahat ng tao.
"Good evening everyone! Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat sa pagpunta dito sa Athena Academy. Nagpapasalamat din ako kahit papaano dahil hindi nyo kinalimutan ang araw na ito. I hope na maenjoy natin ito at ibahagi sa isa't isa ang kasiyahang labis na ating nadarama. Maraming salamat!" nakangiting wika ko.
Tiningnan ko si Cassandra bilang hudyat na siya na ang magsalita.
"Good evening everyone! Nagpapasalamat din ako dahil nandito kayo para makiisa sa pagdiriwang. Nais naming magkapatid na maging masaya ang araw na ito" nakangiting wika niya dahilan magpalakpakan muli ang lahat.
"Happy 30th Anniversary Athena Academy!!" masayang wika ni Seanica dahilan matawa nalamang ako.
Matapos iyon ay nagtungo na kami sa upuang nakareserve para saamin. Nagsimula na ang pagdiriwang ito. May mga nagpeperform at iba't ibang paligsahan ang naganap.
''Ate Anica! Cass!"
Napatingin kami ni Cass, pati na rin ang aking anak ng may tumawag saamin.
Napangiti naman ako ng makita kong dumating sila. Tumayo kami para salubungin sila.
"Let's welcome the cousins of our Queen" biglang sabi ng MC dahilan magpalakpakan ang lahat.
Nangmakarating sila sa harapan namin, nagyakapan kaming lahat.
"Buti nakahabol pa kami" sabi ni Kim at saka umupo. Naupo na rin kaming lahat.
"Oo nga eh, saan ba kayo galing at ang tagal nyo?" tanong ni Cass
"Ah... ito ang babagal nila magsipag-ayos" sabi ni Eun dahilan batukan siya ni Yeon.
Natawa nalamang ako dun. Itong dalawa talaga. Nakuu HAHAHAHA
"Syempre babae kami! Gawain na yun ng mga babae" sabi ni Jessica.
Natawa na lamang kami.
"Si Gabriela? Hindi ba siya makakadalo?" tanong ko ng maalala ko ang babaitang iyon.
"Ah pagpasensyahan mo na ate Anica, busy yun sa Mortal World eh. Alam mo na, wala ng balak yun pumunta dito unless pwersahin mo papuntahin HAHAHA" sabi ni Yeon dahilan matawa sila.
Napailing nalang ako saka natawa rin. Nagsimula na kaming magchikahan.
***
"Let's welcome! The Queens and Kings of Magical World" biglang sabi ng MC dahilan mapatingin kami.
Dumating din sila.
Ngumiti kami sa kanila ng makalapit sila saamin.
"Oiy! Buti nakapunta kayo" sabi agad ni Jessica ng makarating sila sa pwesto namin at saka naupo.
"Oo nga eh saka ayaw namin ibalewala to lalo na naging bahagi rin saamin toh. Hi ate Anica" nakangiting sabi ni Sabelle at tumingin saakin.
Ngumiti naman ako sa kanya.
"Mommy sa labas lang po kami nila Xeanel"
Napatingin ako sa anak ko ng magsalita sya. Tiningnan ko muna sila bago ang anak ko.
"Oo nman basta wag kayong lalayo, maliwanag ba?" sabi ko.
Tumango naman sila at saka sama sama silang umalis. Pinagmasdan namin ang mga anak naming umalis.
Si Seanica, Xeanel, Bellear, si Mike na anak nina Kim at Min, at si Yeoneun na anak naman nina Yeon at Eun.
"Ang lalaki na nila noh?" sabi ni Ella.
"Sinabi mo pa HAHAHAHA" sabi ko at nagsimula na naman kaming magkwentuhan ng kung ano ano.