TPP 2 : Powerful Elements Chapter 13 : Wake Up _____________________________ Seanica POV Nandito ako ngayon sa madilim na lugar. Ilang oras na ako dito at ilang oras na rin ako palakad lakad pero heto pa rin ako, pabalik balik sa lugar na tinatayuan ko. Nasaan na ba ako? "Seanica" Napatingin ako sa likod pero wala akong nakitang tao. "Seanica" Tumingin ako sa harap pero kagaya kanina, wala akong nakitang tao. "Seanica" "Sino yan?!" sigaw ko habang lumilinga-linga. "Seanica" "Sino ka ba?! Magpakita ka saakin!" sigaw ko muli habang lumilinga-linga pa rin. "Seanica" Napatakip ako sa dalawa kong mata nang tumingin ako sa harap at masilaw sa lakas ng liwanag. Tinanggal ko ang dalawa kong kamay ng mapansin kong hindi na masyado malakas ang liwanag. Nakita ko ang isang pigura na

