TPP 2 : Powerful Elements Chapter 11: The Awakening Powers _____________________________ Seanica POV Pagpasok namin sa loob ng bayan ay agad kong inikot ang aking paningin. May mga masasayang nagtitinda at bumibili ang aking nakita. Meron ding malungkot na parang patay kung maglakad pero hinahayaan lang ng mga tao. Pinagwalang bahala nalang namin iyon at nagpatuloy sa paglalakad. May napapatingin sa gawi namin pero panandalian lamang at bumabalik na sila sa kani-kanilang ginagawa na parang wala silang nakita. Hindi ko nalang sila pinansin kahit may kutob akong parang may mali sa mga tao dito. Habang naglalakad kami ay may lumapit saakin na bata. "Ate, may tubig po ba kayo?" tanong niya habang hinahatak ang laylayan ng damit ko. Tiningnan ko muna ng maigi ang bata bago ko kinuha a

