Alia's pov "Ok ka na ba talaga??" Tanong saakin ni terrence dahil may pumasok na healer kanina at sabi pwede na daw akong lumabas... "Oo nga.. ang kulit mo... pang labing isa mo na yang tanong ahh..." sabi ko sakanya... "Ehh baka di ka naman kasi ok... t-talaga bang oka--" pinutol ko na ang sasabihin niya dahil naiirita na ako .. "Oo.. okay na okay na okay na ako... " sabi ko at tumayo na... "Sure na sure?" Tanong niya kaya naman tumango ako at pinagilid siya.... ng gumilid siya agad akong tumakbo papuntang pinto at agad na binuksan at tumakbo para tumakas sakanya... Ng nakarating ako sa isang bayan kaya naman napagpasyahan kung mamasyal... Habang naglalakad ako ay may biglang humila saakin at napalingon ako... "Bakit ka nandito? Diba dapat nasa academy ka?" Tanong niya saakin...

