Natapos ang pag gala naming dalawa. Inilibot ko siya sa magagandang pasyalan dito. Kumain kami ng street foods. Nung una ayaw pa niya pero sinabi kong susubuan ko siya saka siya pumayag. Pakipot pa 'e gusto din naman pala. Minsan nga ang sarap niya ingudngod sa kalsada sa mga pang aasar niya minsan.
Huling pinuntahan namin ang pinakamalapit na dagat. Nasa dalampasigan lang kami at nakaupo sa buhangin. Inaantay na lang namin lumubog ang araw saka kami uuwi. Kapwa tahimik at may malalim na iniisip.
Muli ako napahinga ng malalim at binalik ang paningin sa dagat. Napakayapa ng paligid. Tahimik. Tanging paghampas ng alon at huni ng ibon ang ang naririnig. Very relaxing place lalo na kung may problema ka. Gusto pa sana niya mag swimming pero pinagbawalan ko. Baka kase magkasakit siya at lamigin. Medyo concern ako. Wala pa naman kami dalang pamalit.
"Sa susunod pumunta ulit tayo dito" panimula niya saka tumingin sakin. "Thank you for listening to my rants kahit paulit ulit" ngumiti siya. Ngiting totoo at nakakapang hina ng tuhod.
Ngumito ako pabalik at tinuon ang atensyon sa araw. "Oo na kanina ka pa nagpapasalamat. Nauumay na ako" biro ko. "Close ba kayo ng Tita mo?"
Ilang minuto bago siya sumagot. "Hindi. Malaki ang kasalanan niya sakin, lalo na kay Mommy" bahagya siya yumuko. "Mabuti pa umuwi na tayo. Ihahatid na kita"
Tumayo kami. "Ako na maghahatid sayo. Madilim na at maraming gala dito. Kilala naman nila ako kaya mtatakot sila sakin, hindi ka pa naman nila kilala" nag-unat a
ko ng braso. "Tara na baka makita ka ng mga aso habulin ka pa"
Mabilis nangunot ang noo niya saka umirap. Natawa ako ng mahina at sumunod sa kanya. Huminto kami sa labas ng malaking gate nila. Nanatili kaming tahimik. Ang tagal namam niya pumasok.
"Pumasok ka na, gabi na oh. Uuwi na rin ako bago pa mapalayas ni Nanay" akmang aalis ako ng hawakan niya ang braso ko.
"Mag-iingat ka. See you tomorrow" ngumiti siya ng matamis.
Ilanh segundo kami nagkatitigan. Bumukas ng malakas ang maliit na pinto sa gate. Sabay kami napatingin doon. Masama ang tingin niya sa aming dalawa. Lalo na sa nakahawak na kamay sa braso ko.
"Pumasok ka na. Bye" mabilis na hinalikan ko siya sa pisngi saka umalis.
Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha. Naitakip ko ang mga palad sa mukha ko para takpan. Bigla ako tinaasan ng balahibo sa ginawa ko. Ako ba talaga 'yon? Geez!
Gamit ang kaliwang paa sinara ko ang pintuan. Pagod na pagod ako sa gala namin. Bakit ko ba kasi inaya pa ang kalansay na 'yon? Nakakalito talaga minsan ang sarili. Kasabay ng malalim kong paghinga ay umupo ako sa sofa saka pumikit at pinahinga ang ulo sa sandalan.
"Oh you're here na pala. Sakto tapos na kami magluto" napamulat ako sa narinig. Nagha-hallucinate ba ako? "Shea it's real, okay? Tumayo ka na diyan" may halong accent ang pananagalog niya.
Tumagilid ako ng upo at pinatong ang siko. "Anong ginagawa mo dito? Teka, nasaan si Nanay?"
"Mansion pa. Hindi kayo nagkita?" Binaba niya ang mga platalo at kubyertos. "Join us"
"Wow ha. Makapag aya inyo ba 'to?" Sarkastiko na aniya. "Kapal ng peslak mo boy" tumayo ako at lumapit. "Sino ba kasama mo? Baka mamaya sunog na kusina namin ah, babalian talaga kita ng buto" naupo na ako.
"Tsh. I'm with my husband"
Naibuga ko bigla ang tubig na iniinom. Puta. Husband!? Tama ba pagkakarinig ko? Tinignan ko siya kung nagsasabi ng totoo. Seryoso siya nakatingin sakin saka tumango. Jesus! Lalaking lalaki siya kumilos, malaki ang katawan at malalim ang boses tapos malalaman ko he's gay!!
"K-Kelan pa? Nakakatampo ka hindi ka nagsasabi" I pouted.
"You didn't ask"
Sinamaan ko siya ng tingin. "So kasalanan ko pa? Sakalin kaya kita? Want mo?"
Umiling siya. "As if kaya mong gawin" tumingim siya sakin na may ngisi.
Napa ikot na lang ang mga mata ko. "Itakin na lang kita para mas madali"
Tumawa lang siya habang naiiling. Lumabas sa kusina ang isang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko at muki naibuga ang iniinom. Naubo pa ako na sobrang sakit sa lalamunan. Naluha na rin ako kakaubo. Tangina, ilang beses pa ba ako magugulat?
"I-Ikaw? Ikaw 'yung boss ni Gerald?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Akala ko ba..." Tinignan niya ng makahulugan ang nobyo.
"Explain mo na lang sa a-asawa mo" siniko ko si Gerald saka bumulong. "Malapit na talaga kita iuntog sa puno" madiin kong aniya.
Natapos kami kumain na walang kibuan at panay palitan sila ng tingin. Mukha silang timang. Nagpresenta maghugad ng pinagkainan si Gerald at kami na lang ni Arthur ang naiwan.
"Hoy!" Tinapik ko sa braso si Arthur. Lumingon naman siya. "Mag kwento ka dali! Hindi ko alam may gwapong asawa ka pala! Kaibigan ko pa talaga ha" lumapit ako sa kanya. "Top or bottom?" I wiggle my eyebrows.
Mabilis namula ang magkabilang pisngi niya at umiwas ng tingin. "Hoy, tinatanong kita, sagot na dali! Tayo lang naman nandito 'e"
Napakamot siya sa ulo. "Saka na mahabang kwento" ngumiti siya pero nagmukhang ngiwi. "Siya nga pala may isa pa tayong kasama si—"
"Ako!" Napatingin kami sa may hagdan.
Naningkit bigla ang mata ko. Si Rain. Nakapang bahay siya, magulo ang buhok at halatang kagigising lang. Muli ko tinignan si Arthur naka tungo lang siya habang nilalaro ang daliri. Napahilot ako sa sintido ko. Bigla sumakit ang ulo. Bakit ang dami naman ata nilang nandito? Malaman ko lang na manantili sila dito baka masapak ko na sila.
Muli ko sinulyapan si Rain. Nasa mesa na siya at kumakain mag-isa. Ilang segundo lang lumabas na sa kusina si Gerald at hinalikan sa labi ang asawa. Agad ako nag-iwas ng tingin. Kung mag kiss akala mo wala ako 'e. Masyadong PDA, allergic pa naman ako.
"Bakit tatlo kayon nandito? Hindi ako na-orient, anong meron?"
"Nabalitaan namin dumating na ang bunso ng Lucienda. Sinabi ni Jr kanina sakin kaya inaya ko si Gerald" sagot ni Rain. "Hindi ko naman in-expect na kasama 'yung asawa niya saka..." Lumunok muna si Rain. "Nasa loob si Gur, mukhang naligaw siya sa gubat. 'Buti na lang nakita siya ni Gerald kanina sa gubat"
"Masyadong gala ang alaga mo, dapat tinatali mo. Baka makita siya ng animal control" dagdag ni Gerald. Nandoon pa rin 'yung nakakainis niyang accent.
"Alam ko naman 'yon pero hindi ko pa siya nat-train pero..." Dinuro ko sila isa isa habang nakatingin ng masama. "Anong balak niyo sa mga buhay niyo at nandito kayo? Don't tell me.." binitin ko ang sasabihin.
"Yes. We're going to stay here for awhile. Utos ni Tita while she's gone"
—
Katatapos lang ng lunch break namin at nagpatawag ng meeting si Yana. I don't know for what. Wala rin naman ako natatandaan for this month activity or kung anong ek ek ng school ngayon. At once we wento to our room and waited for her for almost 40 minutes.
Napansin ko ang maliit na gusot sa ibabang parte ng upper uniform niya. May smudge pa ng lipstick sa gilid ng labi niya. Nailing ako sa napansin. Biglang tumalas ang paningin ko and I didn't know why. Maybe I'm just curious but not jealous. Why would I? Wala namang rason para doon. Saglit siya sumulyap sakin saka tumikhim.
"Napag meetingan namin about senior high school students specialized subject. Kumapara last year mas mapapa-aga ito" panimula niya. "Each section will be having a representative for apprenticeship and exploration in the performing arts. Ang president na ang bahala mamili, that's all"
Nagmamadali siya lumabas na parang may hinahabol. Hindi ko na lang pinansin kung bakit.
Napahawak ako sa ulo ko. Bakit napa-aga naman ata? Theater. Sasalang nanaman kami sa stage at play our role. Sangkatutak na manuscripts ang ime-memorize namin. Isipin pa lang sumasakit na ulo ko. Last year naging leading lady ako at binansagang theater queen. Nanalo kami hindi dahil sakin, of course with our teamwork so we won.
Nagpunta sa harap ko si Lloyd together with the others. Alam ko na kung saan patungo ang usapang ito.
"Katulad last year leading lady si Shea. Traise, Zylex and Gia sa story idea. Send ko na lang sa gc ang listahan for the other members na kasali"
"Wait isasalin ba natin ang transferee?" Tanong ni Aerus.
Tumango si Lloyd. "Syempre naman. First and last time nila dito so better give them a shot. A good memories na maiiwan sa kanila"
Maya maya lang nag bell na. Senyales na uwian na. Nag ayos na kami ng gamit saka umuwi. Medyo mauuna ako sa kanila kaya hindi napansin na may humintong kotse sa harapan ko. Napatigil kami sa paglalakad at parehas nagtataka. Anong trip nito? Sa daanan talaga mag pa-park? Wala ba siyang manners?
Bumaba ang salamin sa backseat. "Ihahatid na kita kasama ng iba"
Baliw ba siya? Bago pa ako makapag salita naunahan na ako ni Clea. Ngumiti siya ng peke. "Excuse us Ma'am hindi dito ang tamang parking lot, just so you know"
Puno ng sarcasm niyang sabi. Yana rolled her eyes. Pumunta naman sa harapan namin si Riley na masama ang timpla. She lean closer to Yana and whispered something. Maya-maya sumakay na sila Riley at umalis.
Pinatong ni Gia ang siko sa balikat ko habang nakatanaw sa sasakyan. "May mis-understanding ata sila ah. Tingin mo?"
"Ewan ko, hindi naman ako tsismosa" sagot ko" nakita ko naman siya umirap. Natawa naman ako ng palihim.
"Osya lumarga na nga tayo, bukas na lang ulit"
Nag beso kaming mga girls saka umuwi. Pagod na naupo ako sa sofa. Lumabas naman mula sa kusina si Rain na may dalang malamig na tubig saka binaba sa maliit na mesa nasa harap ko. Kinuha ko ito saka diretso ininom.
"Uhaw na uhaw ah? May ginawa kang kakaiba 'no?" She wiggled her eyebrows and lean closer to me. "Hoy masama 'yan ah! Ang bata bata mo pa tapo—" agad ko siya binatukan.
"Punyetang bibig mo. Kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka na lang" tumayo ako at sinukbit ang bag sa balikat. "Aakyat muna ako"
Umakyat na ako saka pabagsak humiga. Tumabi naman sakin si Gur saka muli natulog. Humiga ako sa bandang tiyan niya saka hinaplos ang balahibo niya. Four years old pa lang si Gur. Hinahanap pa namin ang Mama niya. Nakita lang namin siya magkakaibigan sa isang kweba nang minsan kami maligaw sa gubat. Umayos ako ng higa saka natulog.
Akala ko umaga na pero hating gabi ng naampulingatan ako. Ang ingay at hindi na ako mabalik sa pagtulog. Nagtakip ako ng unan pero maingay pa rin. Sunod sunod ang kalabog. Inis na umupo ako.
"Rain 'yung pinto!!" Sigaw ko pero walang sumagot. Siguro tulog na siya.
Bwisit naman! Hating gabi talaga?! Sinong matinong tao ang pupunta ng ganitong oras except kay Zera. Right. Baka nga si Zera ang panay kalabog. Babatukan ko talaga siya. Binuksan ko ang pintuan at handa na sana sigawan kung sino mang poncio pilato. Natigilan ako at bahagya nanlaki ang mata.
"Ahh hi?" Ngumiwi siya. "Sorry alam kong hating gabi na at mukhang naistorbo ata kita. Pasok na ako ah?"
Tuloy tuloy siya pumasok sa loob. Feel at home siya masyado!! At ang mas nakakainis mukhang dito din siya pansamantala. Great!