RILEY Unti-unti ko minulat ang mga mata ko. Napaungol pa ako sa pagkirot ng ulo ko at agad din pumikit para makapag adjust sa liwanag. Bumuga ako ng hangin at pinilit sumandal sa headboard ng kama. "Anak, anong gusto mo?" Narinig kong tinig ni Yana, "Sandali ikukuha kita ng tubig. Allison call the doctor immediately." Agad naman tumalima si Allison at lumabas. Lumapit naman sakin sila Vanessa, Dianne at Yokoshi with a worried face. Napahinga na lang ako ng malalim at inabot ang isang basi ng tubig. Halos maubos ko iyon at nilapag sa lamesa, sa gilid ng kama. "A-Anong nangyari kanina? Bakit nandito na ako ngayon?" Naguguluhang tanong ko. Huli kong natatandaan sumikip ang dibdib ko at hindi agad nakapag take ng inhaler hanggang sa hinimatay ako. Ramdam ko ang malakas na pagkabog ng puso

