SHEA Napabuga na lang ako ng hangin ng maalala ko 'yong condition ni Lola sakin kanina. Pakiramdam ko tinatakasan ako ng lakas sa narinig. "Apo?!" Tumaas ang boses ko sa narinig. Hihimatayin ata ako sa gusto niya. Saka ko tinuro si Traise na nanlalaki ang mata sa gulat. "Mawalang galang na ho pero hindi ko ho siya boyfriend o asawa," napasentido ako. "Babae ho ang asawa ko lola, at ang hinihingi niyong apo? Mabibigay naman namin after nine months." Mariin niya ako pinakatitigan. Ilang segundo rin iyon bago tumingin kay Aiyana. Napalunok ako, ano ba 'tong pinasok namin? "Kung gano'n itong babaeng ang sinasabi mong asawa?" Pinanlakihan niya ako ng mata saka huminga ng malalim. "Apo, tanggap ko naman kung babae din ang gusto mo pero," she paused dramatically. "Sana pumili ka ng uhmm–medyo

