Once

2330 Words
"Anong pinag uusapan niyo nung lalaki kanina?" tanong niya at naupo sa sofa. "Kung ano man 'yon samin na lang, 'wag kang tsismosa. Majesty" ngumiti ako ng matamis sa kanya nang samaan ako ng tingin. "Magluluto na ako ng hapunan. Puntahan mo na lang si Elly sa kwarto niya" sabi ko at umalis na patungong kusina. Matapos makapag luto at maghain nagtungo ako sa ikalawang palapag. Kakatok na sana ako nang marinig na nag-uusap silang dalawa. "Hindi mo talaga type?" halata sa tono ni Elly ang pang-aasar. "Tch! Magtigil ka. Ilang ulit ko na sinabi sa'yo wala. Wala!" inis niyang singhal sa kapatid. "Ang defensive, ay" Kumatok na ako bago pa sila mag away. Expected ko na nag uusap pa rin sila pero mukhang tumigil na sa pag aasaran. Namumula ang magkabilang pisngi ni Riley habang nakakalokong nakangiti ang huli. "Bumaba na kayo, handa na ang hapag" sabi ko at lumapit kay Elly. "Nag toothbrush ka na ba?" tanong ko na ikinailing niya. Binuhat ko siya at pumasok kami ng cr para makapag toothbrush siya. "Mauuna na ako sa baba, bilisan niyo na lang diyan" dinig kong sabi ni Riley at sumara na ang pinto. Matapos makapag sipilyo ni Elly nagtungo na kami sa dining area. Nandoon ang ibang maid at 'yung lalaki kanina. Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Riley at sa lalaking kausap ko kanina. Masama siyang nakatitig dito na para bang pinapatay na sa isipan. Tumikhim ako at naupo na sa gilid sa tabi ni Elly malapit sa kabisera. Matapos makakain ay kanya-kanyang lakad na ang iba. Tinulungan pa ako ng lalaking naka-usap ko kanina hanggang kusina nakasunod siya. "Tungkol nga pala sa sinabi mong tulong kanina. Tatanggapin ko." Huminto ako sa ginagawa at tinitigan siya ng ilang sandali. Bumuga ako ng hangin at ngumiti. "Shea na lang ang itawag mo sa'kin. Mabuti naman at pumayag ka hindi ka nagkamali ng desisyon." Kinuha ko sa bulsa ang card ko. Nandoon ang address ang headquarters namin. "Pumunta ka na lang dito at ipakita ito. Papasukin ka agad doon katok ka lang ng apat na beses" Tumango siya at kinuha ang card. "Paano ang mga kapatid ko kung sakali?" "Don't worry may magbabantay sa kanila 24/7 para sa ikapapanatag ng loob mo." Ngumiti siya bago umalis. Tatalikod na sana ako ng may tumawag sa pangalan ko. "Shea" madiing tawag niya sakin. Humarap ako at tumingin sa kanya na patay malisya. "Bakit nanaman kayo magka-usap ni Arthur?" So Arthur pala ang name niya. "Yaya lang ako dito. Hindi naman siguro required na i-report ko sayo pati personal na usapan namin, hindi ba?" Parang gusto kong lamunin na ako ng lupa sa paraan ng tingin niya sakin. Nanatiling blangko ang mukha niya at dahan-dahan tumango habang nakahawak sa baba niya. Umalis siya ng walang imik kaya nakahinga ako ng maluwag. KINABUKASAN maaga pa lang umuwi na ako nang bahay. Kakatok na sana ako ng marinig ang boses ni Nanay at.....Mang Simon? Anong ginagawa niya dito? "Huwag ka malikot, Fina" may pagbabanta sa boses nito. "Mas lalong sasakit kung patuloy kang gan'yan sinasabi ko sayo" Kinabahan naman ako sa maari nilang gawin. May tiwala naman ako kay Nanay at kay Mang Simon pero paano nga kung may relasyon silang dalawa? Naitakip ko na lang ang kamay sa bibig. So hindi bakla si Mang Simon at magkakaroon na kami ng kapatid ni Ai? Peroooo! May ginagawa silang milagro!! Sa taranta ko basta ko na lang binuksan ang pintuan at sumigaw. "HULI KAYO PERO HINDI KULONG ITIGIL N—" nanlaki ang mata ko pagkamulat. Halo halong reaksyon ang nararamdaman ko. Pero mas nangingibabaw ang takot na nararamdaman ko. Nasa ibabaw si Mang Simon, kumpleto ang damit niya pero walang sinturon. Si Nanay naman nakadapa at walang pang itaas, wala ring bra! "Anak ng tokwa!? Mali ang iniisip mo bata! Hindi ko wit may pechay, ay!" Baklang sabi ni Mang Simon na mas ikinalaki ng bibig ko. CONFIRMED, BAKLA! Kaya pala ayaw sa nga nerereto kong mga biyudang babae kase lalaki gusto. Dapat pala biyudo eh. "H-Hindi po sa gano'n T-Titaa este Tito! Nabigla lang po talaga ako pero hindi ako gan'yan mag-isip ah" depensa ko habang umiiling at nagsi-sign na mali siya. "Psh! Eh kung makatingin ka kanina parang ganoon eh! Ay jusmeyong bata ka, oo" stress na sabi niya at nagpunas ng kuwaring pawis at flip ng buhok niya. "Panira ka naman anak eh. Sa susunod kumatok ka para hindi gan'yang nag-iisip ka ng kung anu-ano. Nagpapa masahe lang ako bago pumasok sa trabaho" nakahiga pa ring sabi ni Nanay. Napakamot na lang ako sa ulo habang nakanguso. Hindi nga sabi gano'n iniisip ko! Slight lang naman. "Oh siya tutal nandito ka din naman ikaw na bahal sa Nanay mo at ako'y lalarga na" sabi ni Tito s***h Tita na ikinatango ko. Lumabas na siya ng bahay. Iniwan ko sa loob ng kwarto si Nanay habang nagbibihis. Kinuha ko ang sapatos at sinuot ito. Nilapag ko rin ang sobreng naglalamon ng sahod mula sa mga Lucienda. Isang buwan na sahod. Lumabas si Nanay na naka-ayos na. Nagtungo siya sa kusina at pagbalik ay nilapag ang isang topper ware sa maliit naming mesa. Nasunod lang ang tingin ko sa kanya. Tahimik at mukhang malalim ang iniisip. Siguro may iba pang nangyari nung nawala ako dito. Ayokong pilitin si Nanay dahil kusa naman siya nagsasabi. Tumayo ako at niyakap siya, nakakaintindi. Iyon ang kailangan niya. Madalas mapanigipan niya si Tatay simula nung gabing hindi ako natulog dito. "Ayos lang 'nay. Basta magsabi ka lang po nandito lang ako. Sabihin niyo kapag handa na kayo" hinahagod ko ang likod niya para patahanin. "S-Salamat." Humiwalay siya sakin ng bahagya, hinawakan ang mukha ko at pinagmasdan. Hindi ko alam kung ano iniisip ni Nanay. Baka pinuntahan nanaman siya ng gagong 'yon. "Pumunta ba ulit siya dito? Anong ginawa niya? Ano po sinabi niya, Nanay?" Tarantang tanong ko, hindi maitago ang kaba. Umiling-iling siya at tumalikod sakin. Nagpupunas ng luha niya. "G-Gano'n pa rin. Ikaw ang gusto niyang kunin kahit na bayad naman na tayo. Ewan ko ba at pinipilit ang gusto niya. Tapos naman na ang usapan namin." Napabuga ako ng hangin. "Sinabi ko na po sa inyo una pa lang. Hindi siya mapagkakatiwalaan, eh, ikaw lang naman po 'tong matigas ang ulo eh." Sinamaan niya ako ng tingin. Bumuntong hininga siya at humalukipkip. "Hindi ko naman alam na gano'n pala ang mangyayari eh. Nahipnotismo ako ng mokong na 'yon." Saglit siyang tumingin sakin. "Sorry na." Parang batang sabi niya. Lumapit ako at tumabi ng upo. "Kami nang bahala 'Nay. Madadaan naman siguro namin sa pakiusapan, kung hindi eh no choice." Nagkibit balikat lang ako. "Wag niyo nang ituloy. Ako nang bahala magagawan ko pa naman siguro sa ibang paraan." "Kung hindi talaga niya ikaw po tatantanan kami na po bahala....pero ikaw po bahala." "Salamat ng marami anak. Pumasok ka na o ihahatid pa kita?" Biro niya at tumayo na. "I-piggy ride mo ako 'Nay?" May paglalambing sa boses ko. Inirapan niya ako at nauna nang lumabas. Dagli naman ako tumayo at sumunod sa kanya. Hinatid niya ako malapit sa school. "Magpakabait Shea." Paalala niya. More on banta nga lang. Nakangiwing tumango ako. "Parang hindi mo naman ako kilala 'Nay." Umamba siyang hahampasin ako. "Biro lang. Araw-araw naman ako mabait eh, 'yung kapatid lang ng alaga mo hindi." "Pag tiyagaan mo." "Para magkalaga?." Tuluyan niya ako hinampas sa braso. Mangiyak naman ako lumayo sa kanya at nagmamadaling pumasok sa loob ng school. Hindi ko na rin nabati si manong guard. Dala dala ko tuloy pa-akyat ang skate board ko. Dumiretso ako sa upuan ko at nilapag ang gamit. Medyo malamig na rin dahil kakaunti pa lang kami. 'Yung iba lumalamon, may tulog din sa sahig at gumawa pa ng sariling bahay gamit ng kumot at mga silya. Ginawa nilang bahay ang room namin. May dala pa silang unan at kutson. Nasapo ko na lang ang sariling noo at sumandal sa upuan. Gustuhin ko man sumama sa kanila ay hindi pwede, puro lalaki at baka magkapalit palit pa kami ng mukha. Dumating na rin ang iba pero wala pa 'yung dalawang duwende ng room. Silang dalawa na lang ang kulay. Namamasa na rin ang kamay ko kakahintay sa dalawang 'yon. "Hindi niyo nakita sila Lloyd? Bakit wala pa sila?." Tanong ni Zylex na siyang look out namin. "Hindi namin sila nakita sa daan. Pinuntahan namin sa bahay nila pero naka-alis na daw kanina pa." Sagot ni Gia. Napakunot ang noo ko at muling tumingin sa bintana. Mahigit 30 minutes na silang late. Ang mga teacher ay hinahanap din sila kaya wala munang klase. May ibang studyante ring wala pa pero wala din sa mga bahay nila. "S-Sorry hindi pa rin sila nakikita." Umupo si Miss Flora na hinihingal. "Nagpa-investigate na rin kami kanina, nalaman na may sumusunod sa kanila. Pati mga magulang ng ilang estudyante nawawala sa ngayon." "Miss?" Parang hindi makapaniwalang nakatingin sila Riley sa harapan, nalilito sa mga nangyayari. "Since transferee kayo hindi pwedeng madamay kayo. Mabuti pa umuwi na kayo, may mga maghahatid kayo pa sure na ligtas kayo." Tumayo siya at nilabas ang cellphone saka nag dial. Nalilitong nagkatinginan sila Riley. Si Yoko naman nakatungo lang. Alam naman niya ang nangyayari ngayon, hopefully hindi niya ipagkakalat ang nga nalalaman niya. Hindi muna sa ngayon. "Anong gagawin natin Shea? Nagsisimula nanaman sila." Biglang sulpot sa gilid ko ni Traise. "Wag ka nga nang gugulat, sasapakin kita sa susunod eh." Saway ko. Umayos ako ng upo at tumingin sa labas. "Pumunta kayo sa lumang eskinita. Alam niyo naman na kung saan, baka may mensahe sila doon kunin niyo na lang. Magsama kayo ng iba." Tumango siya at sinabi sa iba. Nilingon ko si Riley na nakatingin din sakin. Bakas ang pagtataka sa mukha niya. Tinignan ko rin si Yoko, pilit ang ngiti niya, nakakaintindi. Tinawag niya si Riley at sabay-sabay sila umalis. Yumuko lang ako at bagot na napangalumbaba. Lumapit na sila Aerus sakin at itinabi sa gilid lahat ng upuan. Inayos din nila ang mga hinigaan kanina. Tumayo ako at napamulsa saka lumabas. Umihip ang malakas na hangin nang marating ko ang rooftop. Naupo sa bench sila Atlhea. Naglabas ng laptop si Aiyana at Yssa. Si Ate Khione naman ay may kausap sa selpon niya sa kabilang dulo ng rooftop. Sila Aerus ay umalis na rin. Umupo ako sa monoblock chair at nilabas ang binoculiar. May mga sasakyan na nagkukumpulan. Dalawang van na magkasunod ang naipit habang ang isa ay nakalampas na. Zinoom-in ko ang hawak. May ilang estudyante na nasa rooftop ng kabilang school. Mas malaki ito kumapara samin. Kalaban namin ang iba pang school dito at ang iba naman ay nakikipag tulungan. Kumbaga may sarili kaming city dito, may sarili ring batas na hindi pwedeng sabihin o ipagkalat. "Dumating na sila Aerus. Magulo at madumi ang mga damit nila. Anyways code yellow tayo ngayon." Bumuntong hininga si Althea. "Anong connect niyo kay Devi and friends?." Nilingon ko siya saglit at binalik ang tingin sa baba. "Yung asawa niya hinaharass si Nanay. Pinipilit na ibigay ako dahil sa utang at titulo thingy. Alam mo naman sigurong higit pa doon 'di ba?." "Nacheck ko na ang cctvs. Sinira ang ilan dito pati na rin sa malapit sa bahay niyo. Pumasok pa ba si Tita sa trabaho niya?." Nakapalmusang humarap ako. "Yeah, sa lumang factory, bakit?." Bahagyang inalog ko ang ulo, sumasakit nanaman. "Sabi ni Tatay hindi raw pumasok si Tita Fina ah, so saan siya pumunta?." Sabat ni Aiyana. "Sabi niya kakausapin niya si France tap— Hindi pumasok?." Parang mas sumakit ang ulo ko sa narealize. May kinalaman ang mag-asawang 'yon sa mga nawawalang estudyante ngayon. Napa iling ako ng ilang beses at umupo ulit. Nagtataka naman silang nakatingin sakin. "Bakit may nangyari ba? May hindi ba nasabi agad or sinasabi?." Humalukipkip si Clea at mataray na nakatingin sakin. "Ikaw ata ang nakalimot. Kakasabi ko lang kanina, hinaharass si Nanay ni France." Bored kong sagot. Napakamot naman siya sa ulo at humawak sa baba na tila malalim ang iniisip. Makailang ulit pa siya umikot ng tingin kung saan-saan bago nahinto at nag-isip nanaman. Mukhang sinasapian nanaman ang isang 'to. Dumating sila Aerus na may hawak na sobre. Hinihingal pa silang umupo sa sahig, hindi inalintana ang dumi nito. Binigyan naman sila ng snacks at tubig na malamig. Kinuha ko sa drawer ng lamesa ang cutter at binuksan ito. Tumambad sakin ang codes. Nakakasakit sa ulong codes. Nakatype dito ang legends, bilang ng moves at halong alphabet letters. Arrow code na hindi naman pala gano'n kahirap i-solve. Ang seperator ay s***h. (A/N: mag solve din kayo hehe) First Second 1 2 3 4 5 1 2 3 4 5 1B P C D E 1N O P Q S 1st:S/@↑¹,←³ 2A L Z Q T 2B A D G F ↓¹,→¹/→³,↑² 3Y M V S O 3H I K L M 2nd:P/↓²,→¹ 4E G H N X 4N C Y Z X ←²,↑¹/↓²/↓¹,→¹ 5J F K U Z 5S T E W U 4 sharp. Same place at 4 o'clock. Ayun lang ang nasa sulat. Nauubos na ang pasensya ko dito. Akala ko pa naman kung anong meron at may pa-code pa. Sasakalin ko talaga gumawa nito. Inis na inabot ko kay Traise ang sulat. "Itapon mo 'yan baka mapunit ko pa." Nag nap ako at inis na pumikit. "Anong sabi sa sulat? Matino ba ang laman?." Natatawang tanong ni Zylex. "Parang hindi mo naman kilala sila kilala. Gagawa na nga lang ng sulat pahirapan pa kung anong laman. Mamaya mo na isturbuhin wala sa mood 'yan." Dinig kong sagot ni Clarence. "Siya nga pala Shea, si Riley nawawala rin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD