Pumuno sa kwartong ‘yon ang malakas na tawa ni Michael ngunit kabaliktaran ang emosyon na nakikita ko sa mga mata nito. Galit at pagkamuhi ang naroon. Na hindi ko alam kung ano ang naging dahilan kung bakit ito nagkagano’n! Naging mabuti naman ang pamilya ko rito at maging sa pamilya nito, kaya bakit? Ang dami kong mga tanong. Ang dami kung bakit. Ngunit ngayong gabi, wala ng silbi pang na hanapin ko ang mga kasagutan. I’m ready to go. Tanggap ko na ang lahat. “Dream on, woman!” sambit nito bago lumabas ng kwarto. Narinig ko pa ang sinabi nito sa tao nitong nagbabantay sa labas ng kwarto. “Alam niyo na ang gagawin niyo. Just make sure na hindi nila mati-trace ang babaeng ‘yan!” “Amadeus!” usal ko sa pangalan ng binata. Palagi itong dumarating kapag nasa ganitong sitwasyon ako. Dumarat

