Hanggang sa makabalik ng Pilipinas si Michael, hindi na naging maayos pa ang pakikitungo namin ni Cala sa isa't isa. Alam kong nahalata ni Michael ang iringan namin ng girlfriend nito. Tinangka nito na pag-ayusin kami pero nang makita nito kung gaano kataas ang pag-uugali ni Cala, hindi na ito nagpumilit pang pag-ayusin kaming dalawa. Sinubukan kong magpakumbaba at ako na ang kusang lumapit kay Cala dahil alam kong naiipit sa aming dalawa si Michael ngunit sadyang mapagmataas ang babaeng iyon! I tried so many times talking to her but she always shuts me out! Hindi na ako nagpumilit pa. I've already done my part. And if she's really secure of Michael's love for her, walang rason para magselos ito pero sa tingin ko, hindi lang selos ang issue ng babaeng 'yon sa 'kin. Masama lang sadya an

