Walang pagsidlan ang aking katuwaan ng makita ko si Michael. Hindi ko talaga inaasahan ang pagdating nito dahil magmula nang umalis ako papuntang Canada, maswerte na kung makapag-usap kami ng dalawang beses sa loob ng isang buwan. Alam ko namang abala ito sa buhay nito at sa pamilya nito and I was busy, too struggling with my mental and emotional health that I almost forget about him. Kung hindi pa nga ito ang unang beses na tatawag sa akin ay hindi kami magkakaroon ng pagkakataong mag-usap. "Why are you here?" tanong ko, pagkatapos ko itong yakapin nang mahigpit. Hawak ko ang isang kamay nito, marahan iyong pinipisil at kinukumpirma kung totoo ngang nasa harapan ko ito. "Base sa inaasal mo ngayon, mukhang na-miss mo talaga ako nang sobra, ah!" anito, tatawa-tawa. "I really miss you, ok

