Nakarating kami sa isang parang warehouse sa may Alabang. Panay ang tingin ko kay Amadeus, gusto ko itong tanungin kung ano ang ginagawa namin doon dahil wala akong makitang ibang tao. At isa pa, ang dilim!
But I was surprised when the gate automatically opened and then we were already inside.
“Dito ka lang,” sambit ng binata sa ka lumabas ito ng kotse.
Panay naman ang silip ko sa labas, pilit inaaninag kung anong meron sa warehouse na ‘yon. Maya-maya pa ay kumalat na ang buong liwanag sa loob. At hindi ako makapaniwala sa nakikita ko!
“Huwag mong sabihing ito ang naiisip mong paraan para mailabas ang galit ko?” tanong ko rito. Sa tingin ba nito kakayanin ko ang ipagagawa nito? Sa nipis ng katawan ko, pakiramdam ko mababali lahat ng mga buto ko dahil sa gusto nitong gawin!
Isang malaking gym ang pinagdalhan nito sa akin. May boxing ring sa gawing kanan habang sa kaliwa, naroon ang iba’ibang equipment nito like traing bench, stationary bikes and rowing machines at marami pang iba.
“Ayoko!” Panay ang iling ko. Kahit noon pa man, ayoko ng mga ganitong activities. Bukod sa mapapagod lang ako, mananakit pa ang buong katawan ko. Alam ko naman ang magandang dulot nito sa katawan kaya lang hindi ko talaga hilig ang mga ganitong bagay. Yeah, I do jog and run but not like this.
Ngunit imbes na pansinin ako,. Kinuha nito ang isang gloves saka inihagis sa akin.
“Come on, Nat! Ginagawan na nga natin ng paraan ‘yang galit mo, ‘di ba?” sambit nito. Ngali-ngali kong batuhin ito dahil sa nakikita kong tipid na ngiti sa labi nito. “You can punch and kick me all you want. Promise, you’ll thank me later for this.”
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa sinasabi nito. Isa pa, bumiyahe sila hanggang doon, sayang naman kung hindi niya susubukan ‘di ba?
“Ang liit naman ng mga kamay mo,” puna ni Amadeus habang sinusuotan ako nito ng gloves. Pinagkumpara pa nito ang aming mga kamay. “I wonder kung kaya nitong makapanakit.”
Bahagya naman itong napatawa ng makitang nakasimangot na naman ako. “Inis ka na naman, ano? Ikaw talaga….okey. Let’s have a deal. Kapag nakatama ka sa ‘kin, I’ll cook for you. Whatever you like. Pero kapag hindi ka nakatama, ipangako mong babalik tayo rito.”
“Kahit naman hindi ako pumayag, alam ko namang gagawa ka ng paraan para mapabalika ko rito, eh!” asik ko rito.
Noong una, masyado akong kumpiyansa na matatamaan ko ito ngunit makalipas ang bente minutos, kahit pahaging sa mukha nito ay hindi ko magawa. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mainis dito lalo na kapag nakikita kong sinasadya pa nitong inisin ako. Panay din ang ngisi nito na parang bang minamaliit ang kakayahan ko!
“Suko na?” ngingiti-ngiti nitong sambit. Saka inilapit nito ang mukha sa akin, na para bang sinasabi nitong kahit sa ganoon kalapit na distansya ay hindi ko ito matatamaan. “Isipin mo na lang na gusto mo akong paghigantihan. Isipin mo na lang na ako ang may dahilan kung bakit miserable at naghihirap ang buhay mo ngayon. At higit sa lahat, isipin mo na lang na ako ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo-”
Bago pa man nito matapos ang sasabihin nito ay mabilis ng umigkas ang kamao ko papunta sa mukha nito ngunit mabilis talaga itong kumilos at hindi ko man lang nagawang makanti ang mukha nito. Ngunit hindi ako tumigil. Panay ang suntok ko rito na sa tingin ko, mukha na ni Michael at Gleenie ang nakikita ko. I wanna rip their hearts out at that moment and that the only thing they can do is to beg for their life.
“Ganyan nga! Isipin mo ang mukha ng mga taong gusto mong paghigantihan.” Panay ang iwas nito sa kanyang mga suntok, pinipilit na ilabas ang lahat ng galit at pagkabigo na kanyang nararamdaman. He’s pushing me to the limits. Gumagana naman dahil kanina ko pa gustong patamaan ang mukha nito. At kung sakali man, gusto kong mawala rin ang nakakalokong ngiti sa mga labi nito dahil nakadaragdag lang ‘yon sa inis at galit na nararamdaman ko!
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko dahilan upang ma-out balance ako. Mabuti na lang at mabilis na pumaikot ang isang braso nito sa baywang ko. Kusa namang tumaas ang kamay ko sa batok nito sa takot din na madisgrasya pa ako.
Hindi ko naman mapigilan ang pag-iinit ang aking mga pisngi ng mapagtanto ko ang posisyon naming dalawa. Lalo na at ramdam ko ang mga titig nito sa akin.
Now that we’re inches away, I could smell him…and he smells so good as always.
Bahagyang napaawang ang mga labi ko nang mas hapitin pa ako nito. This time, there was no space in between us.
“A-amadeus,” sambit ko. Hindi ko na kasi kinakaya ang mga titig nito sa akin.
Parang gusto ko na ring ibaon ang sarili ko sa lupa dahil ramdam na ramdam ko ang lakas at bilis ng t***k ng puso ko.
Tinangka kong yumuko ngunit mabilis na umangat ang kamay nito sa may baba ko, mariin ang pagkakahawak roon. Sapat lang upang hindi siya masaktan. Sinubukan kong iwasan ang mga titig nito ngunit hindi ito pumayag. Pinanatili nitong magkahugpong ang aming mga tingin.
“Ayaw mo ba akong makita? Saka, nakit palagi mong iniiwasan ang mga titig ko?” He sounds offended pero bakit pakiramdam ko, nagpapapansin lang ito?
“H-hindi naman sa g-gano’n.”
“Then look at me.” His voice was sensual and captivating.
Lalo lamang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi nito. Nagtataka nga ako kung bakit hanggang ngayon ay maayos pa rin akong nakakatayo gayong kanina pa nanlalambot ang mga tuhod ko.
Wala sa sariling nakagat ko ang aking mga labi ng bumaba ang mukha nito. Kasunod noon ay naramdaman ko ang mainit nitong hininga sa may leeg at tainga ko.
He leaned closer to me, until his lips touched my skin. Hindi ko na nakontrol ang pagsinghap ko dahil sa sobrang pagkakalapit namin.
Amadeus swallowed hard, then he whispered in a hoarse voice, “Have you been kissed, Nat?”
Umiling ako.
“Good, then,” he whispered on the side of my lips. “Will it be okay if I also teach you this kind of stuff?”
Nababaliw na yata ako nang isang tango ang maging tugon ko rito. With my eyes wide open, I heard him curse before I felt his lips against mine.
Pakiramdam ko, gustong makawala ng puso ko dahil sa sobrang pagwawala nito sa loob ng dibdib ko! Tila ba gustong takasan ang mataas at agresibo nitong emosyon!
Para namang sinisilaban ng apoy ang buong katawan ko dahil sa patuloy na pag-angkin ni Amadeus sa labi ko. I even allowed him to devour my lps the way he wants it to be. While his hand caresses my waist, I was having a strange feeling…it’s hot and tempting.
Mariin kong naipikit ang aking mga mata ng ibuka nito nang kaunti ang aking mga labi at naramdaman ko ang mainit nitong dila na pumasok sa loob ng bibig ko. My knees trembled, not because of fear but because of the sensation I was feeling.
Pero maya-maya lamang ay nabaling ang aking atensyon sa magasapang nitong palad na humahaplos sa baywang ko.
My mind was being clouded with strange feelings…but I’m liking every piece of it.
Nakakapaso ang init sa pagitan nilang dalawa. Nakakatukso. Nakakadarang.
Bago para sa akinang lahat na aking naramdaman. Ni hindi ko nga alam kung paano pakikitunguhan ang mga iyon. But nonetheless, I liked the experience.
Wala sa sariling naisandal niya ang mukha sa dibdib nito dahil sa sobrang panghihina. Kung sa mga suntok niya kanina o kung sa mga halik at haplos nito, hindi ko na alam. Doon ko lang napansin na tass-baba na pala ang dibdib ko dahil sa hingal.
“Nandito lang ako para sa’yo,” pabulong nitong sambit habang yakap pa rin ako. “Palagi. Always remember that, hmm?”