Chapter 51

2270 Words

Nitong nakaraang Linggo, nagsimba kami nila papá, Zion, at Maudie. At pagkatapos ay idinala naman kami ni papá sa mall para bumili ng susuotin. Nakakatuwa pa nga at pati si Maudie ay naambunan ng isang cute na puff sleeve top. "Sabi ko naman sa'yo, bagay eh." Komento ko kay Maudie nang makalabas siya sa kwarto. Isang dark brown puff sleeve top at high-waisted pants ang suot niya. Simple lang pero angat pa rin ang ganda nito ni Maudie! "Ako pa talaga? E, ikaw? Nakita mo na ba sarili mo? Ang elegante mong tignan." Tinignan niya pa 'ko mula ulo hanggang paa. Napaiwas naman ako ng tingin. "Osiya sige na. Alis na 'ko ha." Dugtong niya bago isinuot ang black na sling bag niya. Napakunot naman ang noo ko. "Huh? Anong alis?" "I mean, mauuna na ako. Dadaanan ko na rin si ate Cha." "Pa'no 'ko?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD