"Mabuti naman at sumipot ka, hija." Masayang bati sa'kin ni papá pag pasok ko sa kwarto niya. "Syempre naman po." Ngiti ko bago nagmano sakaniya. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, anak. Gusto kong bumalik ka sa pag-aaral." Nanlaki ang mata ko atsaka napalunok. Seryoso ba 'to? Teka, akala ko ba tungkol sa birthday ko ang pag-uusapan namin? "P-po? Pero akala ko po..." Ngumiti siya bago umayos ng upo. "Zion is correct. Pinapunta kita rito para rin pag-usapan ang birthday celebration mo." Tatango pa siya. "Ano bang gusto mo, anak?" Dugtong niya. Napaiwas naman ako ng tingin. "Papá, simple lang po ang gusto ko." Bahagya siyang lumapit sa kinauupuan ko bago ginulo ang bunbunan ng ulo ko. "Nakakaproud ka na talaga ngayon, hija." "Pwede po bang dito na lang tayo mag-celebrate? I-invite k

