Chapter 47

653 Words

"Kain lang nang kain, señorita!" Napatigil ako sa pagkain ng Carbonara nang marinig ang pamilyar na boses galing sa likuran ko. "Manang Perlita!!!" Napatayo agad ako bago napayakap sakaniya. "Miss na miss na kita, señorita." Napangiti ako atsaka siya inalalayan paupo. Ilang taon na ang lumipas kaya mas tumanda na ang itsura niya at mas marahan na rin ang kilos niya. "Grabe, sobrang na-miss ko rin po kayo. Atsaka nakakatuwa po kasi hindi lang po pala si manong Gerry ang nag-stay kay papá." Napangiti naman siya. "Wag ka na rin magulat kung sasabihin kong pati si kuya William mo, kasama pa rin namin hanggang ngayon." Nakakatuwa talaga, akala ko no'n, hindi ko na ulit sila makikita pa. "Ay manang, nandito naman po pala kayo kasama ni papá pero bakit po kinupkop niya pa rin po sila Zion?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD