"Tiri! Tiri!" Napatigil ako sa paghahalo ng Champorado dahil sa tawag sa'kin ni Ate Cha. "Bakit po?" Kinakabahan kong tanong sakaniya. Hinawakan naman niya ang magkabila kong balikat bago ako niyugyog. "Nandiyan si Zion sa labas. Gusto kang makausap." Excited niyang sabi. Parang nawalan naman ako ng hininga sa sinabi niya. "T-talaga po? Pero naka-duty po ako. 'W-wag na lang po siguro muna?" Napalunok ako dahil mukhang nangingibabaw na naman ang pride sa'kin. Inirapan ako ni ate Cha. "Ano ka ba? Sige na, binibigyan na kita ng time para makausap siya. 'Wag ka na mag-inarte diyan." Napayakap naman ako nang mahigpit sakaniya. "Thank you so much po, ate!" Yumakap naman siya pabalik sa'kin. "Sige na. Go, Tiri!" Hindi ako mapakali sa pag-aayos ko ng sarili habang papalabas ng kusina. Mabil

