Shaira's POV
"Bhie ayan na pala si Maria oh."---sabi ni Blessing. Nasa main canteen kami siguro hindi ito pumasok sa klase niya. Hindi naman kasi kami magkaparehas ng schedule at isa pa ang layo ng building niya dito sa main canteen.
"Maria!"---sigaw ni Blessing. Nakangiti namang kumaway si Maria.
"Oh pano ba yan si Shaira naman ang manlilibre."---sabi ni Maria.
"Wow. Maglilibre si Shaira haha."---tumatawang sabi ni Blessing.
Itong babaitang ito laging nakangiti wahaha.
"Oo na."---napipilitan kong sabi haha. "Ako ng bahalang mag order ah. Yung pinaka mura nga wahaha."---tumatawa akong umalis sa kinauupuan ko.
Wah! Buti nalang at wala mastadong nakapila. Sa dami ba naman kasing canteen dito sa University. Kahit main canteen na ito buti nalang at hindi masyadong siksikan. Sana laging ganito haha para every break and lunch ay happy!
Nakapila na ako para makapag order na ako. Malapit na kong sumunod ng biglang may sumingit sa harapan ko.
Syempre sino pa ba?
Edi si Rhym!
Rhym the kapre.
Yung may kahalikan sa damuhan kanina.
Nagparaya nalang ako sa pila. Kaysa naman makipag-agawan pa ako diba.
Si Hudas pa naman ang nanggugulo sa maganda kong buhay! Ang tapang tapang ko pagdating sa pagpatay sa kanya sa isip ko. Hayop!
Biglang humarap sa akin si Rhym tapos ngumusi na para bang totoo sitang demonyo!
"Guys, listen to me! Pwede na kayong sumingit sa likod ko! Mabait naman si Shaira eh!"---sigaw ni Rhym. Eh ang dami pa naman sa likod kong nakapila.
Sh*t
Pinagtutulak ako para lang sumingit sa harapan ko yung mga gustong mauna. God ano na yung nasa likod.
Wala ba siyang ibang gagawin kung hindi pahirapan ako? Nananahimik na nga ako eh! Wala siyang puso!
- - - - -
Lumapit ako sa table namin nila Blessing. Wah! Buti naman at 10 minutes pa bago mag time. Halos isang oras ako sa pila kanina.
"God! Shaira tirik na tirik na ang mga mata namin dito! Bat ang tagal mo?!"---naiinis na sabi ni Blessing.
"Oo nga naman Shai. Anyari ba?"---mahinhing sabi ni Maria.
"Kasi ang haba ng pila. Hindi ako nakasingit."---pagsisinungaling ko. Buti nalang at malayo itong table namin at hindi nila natirig. Naku baka maging buragon nanaman si Blessing at magwala dito haha.
"Halla dalian nalang natin kumain. Malelate na tayo eh!"---sabi ni Maria at nagsimula ng kumain.
Ganon din ang ginawa namin ni Blessing. Wah! May next sub pa naman ako. Kailangan kong pumasok. Di na nga ako nakapasok sa subject ko kanina dahil kay Rhym the Kapre/Devil
Nang matapos na silang kumain hihi. Di pa ko tapos eh sarap kasi ng ice cream.
"Oh paano nayan una na ako ah. Late na kasi ako."---nagmamadaling sabi ni Maria at nag ayos na.
"Oy ako din Shai una na ako. Ang tagal mong kumain dalian mong ubusin yang ice cream para kang bata!"---sabi ni Blessing at sumunod na kay Maria.
Naiwan nanaman akong mag-isa. Yaan mo na konting minuto lang naman akong malelate hihi!
Nang natapos akong kumain tumayo na ako para sana pumasok nasa next subject ko ng bigla kong nabunggo yung upuan sa likod ko. Pagtingin ko upuan nila Rhym yun. Sh*t yung Dave ata yung nagalaw ko na upuan.
"S-sorry."---sabi ko at nagmamadaling lumabas ng canteen baka kasi kung ano nanamang gawin ng Rhym the Kapre na yun!
Makapasok na nga sa Next subject ko.
- - - - -
Natapos ng matiwasay ang klase ko! Wie lunch na! Nagugutom na ako eh haha.
Nagtext ako kay Blessing at Maria na hihintayin ko sila sa Dorm namin at nagpabili na ako ng makakain namin sa dorm.
Pagpasok ko sa dorm namin nakita ko don sa kama niya si Kim may kinukulikot sa laptop niya.
"Hi Kim! Naglunch kana ba?"---tanong ko. Kasi naman para mukang friendly charot haha.
Tumingin siya sakin ng sobrang seryoso. Wow ano bang problema ng babaitang ito? Pinaglihi sa sama ng loob haha. Ang seryoso kasi masyado.
"Ahm gusto ko lang makipagkaibigan."---sabi ko.
"Okay."---sabi niya. Ang boring naman nitong kausap. Gusto ko lang naman makipag kaibigan eh.
"Makisabay kana saming maglunch Kim."---nakangiti kong sabi.
"Sige."---sabi niya at woh! Ngumiti siya?! Wie ang cute haha.
- - - - -
"Haha para kayong tanga!"---tumatawang sabi ni Blessing. Nagbibiruan kasi kaming apat. Oo apat! Nakikisama na si Kim samin.
"Siraulo wag ka ngang magulo!"---sabi ko. Naglalaro kami ng mobile legend! Si Kim ang nagturo samin. Medyo marunong na ako wahaha si Blessing kung ano anong ginagawa haha si Maria naman parang alam na alam niya na yung gagawin haha.
"Takbo!"---sigaw ni Maria. Tawa naman ng tawa si Kim. Wah mas gumaganda siya pag tumatawa o kaya ngumingiti.
"Halla patay na ako! Kadaya naman!"---nakabusangot na sabi ni Blessing.
"Oy tignan niyo nga yung oras baka late na tayo!"---sabi ko. Habang focus na focus sa nilalaro ko. Mamayang 1:30 ang klase ko. Ewan ko lang sa mga ito kung anong oras pasukan nila.
"Malapit ng mag 1:30 guys. Anong oras klase niyo?"---tanong ni Maria at ibinaba na ang phone niya.
"2 pa sakin. Sa inyo ay?"---sabi ni kim.
"2 din sakin."---sabi naman ni Blessing.
"1:30 ako, parehas kami ni Shai. Tara na mag ayos na tayo baka malate pa tayo. Parehas tayo ng subject ngayon."---sabi ni Maria.
Ay oo nga pala parehas kami ng kurso ni Maria. Civil Engineer tapos si Blessing ay Business Management , tapos si Kim ay Chef. Wie may taga luto na kami.
"Sige tara na Maria."---sabi ko at nag ayos lang konti at inayos yung uniform ko na nagusot. Dalawang subject lang naman ngayong hapon ih.
Naglalakad kami ni Maria papunta sa first subject namin ngayong hapon. Madadaanan kasi namin yung locker ng mga lalaking player ng basketball dito sa University.
Nakita namin si Hudas naka jersey siya. Ang pogi niya sana pero ang panget panget naman ng ugali nitong hayop na ito.
"Layuan mo si Rhym, Shai."---seryosong sabi ni Maria.
Bakit ba lagi nalang silang nagsasabi na layuan ko ang hudas na Rhym na ito?!
Naiinis na ako ah! Charot haha!
"Okay."---sabi ko. Ayaw ko naman magtanong kung bakit. Kasi hahaba lang yung chismisan namin haha.
Advance akong mag isip eh haha.
"Dalian na natin Shai."---sabi ni Maria at mas binilisan pa ang paglalakad.
Problema nito?
- - - - -
"Nakakaantok naman."---sabi ni Maria at naghikab.
"Ang tagal namang matapos."---nagrereklamo kong bulong.
Kasi naman eh ang boring boring magturo yung prof naming panot hihi. Kala mo kagigising lang hahaha.
Pagkatapos ng Isang dekada narinig din namin ang charan!
"Class dismissed."---prof.
Wah! Uwian na namin wieeeee! Nagsilabasan na yung mga classmate namin.
Lalabas na din sana kami ng bigla nalang pumasok si s*x yung Boyfriend ni Maria.
"Dalian mo sumunod ka agad sakin."---cold na sabi ni s*x kay Maria. Tinitigan ako tapos biglang ngumisi.
"Saan tayo pupunta?"---tanong naman ng sobrang pretty kong kaibigan.
"Papakamatay gusto mo? Tatanong pa kasi sumama ka nalang."---iritang sabi ni s*x. Aba! Batukan ko kaya itong hayop na ito. Hudas din eh.
Lakas ng loob ganyanin si Maria. Kala mo kung sinong Gwapo! Pero gwapo naman siya haha.
Shh! Stop Shaira!
"Ah Bhie una kanang pumuntang dorm, sorry."---bulong sakin ni Maria at naglakad na para sumunod kay s*x.
Okay nag iisa nanaman ako haha. Gorabels na ako
Naglalakad na ako papunta sa building kung nasan ang mga dorm. Wah! Feel ko pagod na pagod ako. Eh di naman ako gumalaw masyado wah!
Gusto kong matulog buong gabi!
Naglalakad ako ng biglang may humatak sakin. Sino paba edi si Rhym the kapre!
"B-bakit?"---wah! Sasabunutan na talaga kita Shaira! Bat ba di mo itry na lumaban at wag matakot! F*ck sh*t!
"May ipapakita ako sayo diba? Kaso humarang yung Kim na yon! Masaya ito promise."---sabi niya at may ngisi sa mga labi niya.
Wah! Feel ko may mangyayaring masama.
"Sandali l-lang."---sabi ko. Kasi naman ang sakit na ng pulsuan ko kakahatak ng Kapreng ito!
Please wah! Help me huhu!
"Wag kang humiyaw. Malilintikan ka talaga sakin."---seryosong sabi ni Rhym habang hatak hatak padin ako.
Yung mga kashoolmate naman namin ay titig na titig samin ni Rhym. Nagbubulungan pa sila!
Bulong bayon bakit ang lakas at halatang pinaparinggan na nila ako!
"Siya ba yung Shaira? Yung bagong laruan ni Rhym?"
"Kala ko naman sobrang ganda. Tsk hindi naman."
Aba! Gago yun ah! Kala mo kung sinong maghusga. Pasalamat siya hindi ko nakikita yung muka niya. Wah! Talaga malilintikan siya sakin!
Kaya mo?
Hindi haha. Bakit ba?! Tapang tapangan.
"Rhym saan m-mo ba ako balak dalhin?"---kinakabahang sabi ko kay Rhym.
Taekwondohin ko na kaya!
Wah ayaw ko baka mas lalong lumala yung mangyari huhu.
"Manahimik ka."---seryosong sabi ni Rhym.
Wah patungo ang direksyon namin sa gym nitong University! Anong gagawin naman doon?!
Nagulat ako ng makapasok kami sa Gym ay hinatak niya pa ako papunta sa isang punto at may nakasulat doon na Storage room!
F*ck sh*t
Bigla niya akong tinulak papasok at sinara yung pinto. Wah nakalock na ako!
Sobrang dilim! Hindi alam kung may binatana ba. Hindi naman ganon kadilim sa labas kanina. Kulob sa loob ang init init dito. Naulat ako ng biglang may tumunog. No! Ang alam ko sumindi yung aircon wah!
No Shaira!
Dilim!
Nagsimula na kong manginig. Para akong kinakapos ng hininga.
Nagsisimula nanalam!
No Shaira please. Come dowm! Ayos lang ito. Kaya mo ito please Shaira!
"Wahahahahahaha mamatay ka!"
"Sino bang magliligtas sayo dito? Wahahahaha wala! Wahahaha."
No please!
Please READ, VOTE & COMMENT