Special Chapter (s*x and Maria) - - - - - EnjoyReading:) Maria's POV Nandito kami ni s*x sa condo niya. Alam ko dito na matatapos ang lahat kaya pinapatatag ko ang sarili ko. Nakaupo lang kaming dalawa sa sofa. Tahimik lang at nagpapakiramdaman kung sino ang babasag sa katamikan na bumabalot sa aming dalawa. Makikipaghiwalay siya sa akin. Alam ko. "M-maria." Nanginig ang boses niya ng tawagin niya ako. "Wala ka manlang bang naramdaman para sa akin kahit konti?" Malungkot na tanong ko sa kanya. Napatitig naman siya sa akin dahil sa tanong ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. Bakit hindi siya sumagot? Wala man lang ba siyang naramdaman sa akin kahit na konti? Kahit bilang nakababatang kapatid? Paulit ulit niya lang akong pinapatay! "Naghintay ako sa pagmamahal mo, alam mo ba 'yun?

