Special Chapter EnjoyReading:) Shaira's POV Magulo na, nagkagulo na lahat lahat, hindi ko na alam kung sino at ano ang iisipin ko ngayon. "Pwede bang ipaliwanag mo samin lahat. 'Yung sinabi ni Sex." Pabulong na sabi sa akin ni Kim. Nasa dorm kasi kami ngayon. Wala naman akong nagawa kundi ikwento sa kanila lahat lahat. "Bakit hindi mo sinabi? Inisipan pa kita ng masama." Nakayukong sabi ni Blessing. Wala naman akong nagawa kundi yakapin siya. "Sorry." Sabi ko lang bago ako yumuko. "Ngayon alam na namin. Anong plano mo? Nasaan si Maria?" Mahinang tanong sa akin ni Kim at tumingin kay Blessing na nakayuko. Gulong gulo na ako sa nangyayari. "Shai, hindi naman talaga kami ni Rhym. Tinignan lang namin kung magseselos kayo ni Brix. Dahil ang alam namin nagkakamabutihan na kayo at kinali

