Enjoy Reading:) Shaira's POV "Babe!" Sigaw ni Rhym sa akin! Hindi pa tapos magkwento si Maria eh! Panira talaga ang lalaking ito! "Ano ba 'yun?!" Gigil na sigaw ko sa kanya. "Kahit anong sabihin ni Kim sayo, 'wag kang maniniwala! Let me explain, please!" Kinakabahan na sabi nito sa akin. Ano bang ginawa ng taong ito? Napatingin ako sa pinto dahil nandon si Kim. Galit na galit ang itsura niya. May hawak siyang phone. Sa kanya siguro 'yun kasi naman parang nag iba 'yung itsura ng phone niya. Nagpalit siguro siya ng cover ng phone "Kim" Tawag ko sa kanya. "Babe, please, magpapaliwanag ako." Sabi ni Rhym. Ano bang nangyayari?! "Hey, anong nangyayari Rhym?!" Sigaw ko kay Rhym Lumapit naman si Kim sakin at hinablot 'yung phone sa akin. Pinatayan niya ng tawag si Rhym at tinanggal

