EnjoyReading:) Shaina's POV Intrams na namin, nakapatay 'yung phone ko kasi tawag ng tawag si Daddy. Ayaw ko muna silang makausap. Baka kung anong ipagtapat nila sa akin na totoo. Parang akong zombie. Buhay ang katawan pero lutang lagi. "Shai, sports ngayon!" Nakangiting sabi ni Blessing. Sasali kasi siya sa swimming compitition. Tumango nalang ako wala naman akong ganang makipagkwentuhan o makipag-usap. Naglalakad lang kami kasi sumali si Blessing. Si Maria naman ay mas enjoy daw manood. Ganon din naman si Kim. Ako hindi na siguro ako sasali. Nawalan na ako ng gana. Naglalakad ako ng biglang tumabi sa akin si Brix. Napatingin ako kila Kim at titig na titig sa akin 'yung tatlo. "May laban kami mamayang 1. Punta ka ah, hihintayin kita, pag 'di ka pumunta sasabihin ko kay Dominic na

