Special Chapter (Brix & Blessing) EnjoyReading:) Blessing's POV Pabagsak na nahiga sa tabi ko si Brix. Katatapos lang kasi namin magtalik sa kama niya. Napayakap ako sa kanya at binaon sa leeg niya ang muka ko. Mahabang katahimikan bago siya magsalita. "Masaya kaba, mahal?" Tanong niya sa akin. Napangiti naman ako dahil sa tanong niya sa akin. Malamang masaya ako, masayang masaya dahil nandiyan siya sa tabi ko. May surprise din akong sasabihin sa kanya eh. "Masayang masaya ako Brix, kasi kasama kita. Wala na kong hihilingin pang iba." Malambing na sabi ko sa kanya. Yumakap naman siya sa akin ng napakahigpit. Napangiti ako dahil sa nakaraang isang taon. Dumidistansiya siya sa mga babae kasi ayaw niyang magselos ako. Kahit sinasabi ko sa kanya na ayos lang at hindi na ako gagawa ng

