Special Chapter EnjoyReading:) Brix's POV Nakatingin lang ako kay Blessing na nakayuko. Kung kailan mahal ko na siya saka naman siya nawalan ng pagmamahal sa akin. "Masaya ka ba kay Rhym?" Nahihirapan na tanong ko sa kanya. Tila ba may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. Mabigat din ang dibdib ko hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil nasasaktan ako. Hindi siya sumagot sa tanong ko. "Bless, masaya ka ba sa kaibigan ko?" Seryosong tanong ko sa kanya. Hindi ako titigil ulit ulitin 'yung tanong ko hanggang hindi niya sinasagot 'yung tanong ko. Napatingin naman siya sa akin bago siya umiwas agad. "I-ikaw ba, masaya kaba kay Shaira?" Tanong sa akin ni Blessing. Masaya kay Shaira? "Masaya kana kasi 'yung babaeng gusto mo, na sa iyo na." Bulong na sabi niya. Nagtataka ako kung ba

