EnjoyReading:) Shaira”s POV “May laro ba kayo mamaya?” Nakangiting tanong ko kay Dom. Nandito kasi kami ngayon sa tapat ng university. Kumakain ng fishball. Ang saya ng ganito dahil kala ko maarte si Dom dahil mayaman nga siya, pero hindi naman pala. siya maarte. “Wala.” Nakangiti niyang sabi bago siya tumayo at inilahad ang kamay sa akin. Inabot ko naman ang kamay ko kay Dom at tumayo nadin. Naglakad kami papasok sa University ng may umakbay sa akin. Si Rhym. Madilim ang muka niya nagtatagis din ang mga panga niya. Galit ito nararamdaman niya. “Pwede ko bang hiramin ko muna 'yung Girlfriend ko?!” Sarkastiko at may diin ang huling salita nito. Nagseselos na naman ito. “Sure.” Sabi ni Dom at bumaling sa akin. “Kita nalang tayo mamaya. Una na kong papasok.” Nakangiti nitong sabi ba

