EnjoyReading:) Special Chapter (Dave and Kim) - - - - - Kim's POV Nandito ako sa café sa labas ng university. Tss, kailangan ko pa palang kausapin si Maria at Blessing. kailangan naming magkasundo. Tanggap ko na 'yung pagkakamali ko. Dapat hindi ako nangialam kung ano mang magiging desisyon ni Shaira sa buhay niya. Dapat hindi din ako nanghusga agad agad, hindi naman porket kaibigan ni Dave si Rhym ay parehas sila ng gagawing panloloko sa isang babae. Malay ba nating magbago na si Rhym this time, hindi ba? Kailangan kong pagkatiwalaan si Shaira. Kailangan kong suportahan ang desisyon niya at damayan siya sa magiging kalalabasan ng desisyon niya. Buti nalang napakabait ni Shaira at ayos lang sa kanya ang ginawa ko. "Levi!" Sigaw nung waiter sa counter. Tumayo ako, sakto namang may

