Zach's POV Pagkatapos ng klase namin kay Prof. De Lara sa Basic Finance. Halos lahat ng tao sa room ay nag-uunahan nang makalabas. Pero ako? Nakatayo lang sandali habang hinihintay si Madelight makapulot ng gamit niya. Kanina ko pa gustong tanungin kung okay lang talaga siya. Kahit ngumiti siya sa akin noong tinanong ko siya sa papel. Iba pa rin kapag personal. Kaya paglabas niya ng row ng upuan. Mabilis akong lumapit at tumabi sa kaniya. "Hey!" Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit parang ang lambot ng boses ko bigla. "Okay ka lang ba talaga?" Seryosong titig ko sa kaniya. Napatingin siya sa akin. Medyo nagulat pero agad ding ngumiti. "Oo, okay lang ako. Sobrang okay." "Very good!" Sagot ko sabay thumb up at smile. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang mag-thumb up. Pero ewan. Kapag

