Madelight's POV Pasakay na kaming lahat sa bus pabalik ng Metro Bayview. Maaga pa pero ramdam ko na agad ang pagod ng buong grupo. Halos lahat tahimik. Parang gusto na lang umuwi at magpahinga sa dorm o bahay nila. Ako man ay gusto ko na ring matapos itong araw na ito. Kung hindi lang para sa grado hindi na ako sumama pa e. Pero dahil kailangan ko ng mataas na grado ay sumama ako. Tsaka gusto ko ring maranasan mag-travel kaya sumama ako. Marami din akong mga nakitang magagandang tanawin, mga puno, at halaman. Pag-akiyat ko sa bus ay dumiretso ako sa usual seat ko. Lagi akong nasa gilid at malapit sa bintana. Mas gusto ko iyon. Mas tahimik, mas presko, at mas may space para mag-isip. Pagsandal ko sa upuan. Tumingin ako sa kanan ko. At muntik na akong mapangiwi. Si Fujikira! That b***

