Zach's POV Nasa school na ako nang medyo maaga-aga. Kaming tatlo lang nina Danrel at Brixzain ang sabay naglakad papasok. Wala si Chendrix nauna na naman daw pumasok. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at bigla siyang naging early bird ngayong araw. Kahit sila Danrel at Brixzain curious din. Pero sabi ko hayaan na natin siya. Baka nagbago ng routine pumasok araw-araw. Pagdating namin sa classroom. Umupo na ako sa usual seat ko. Sa third row malapit sa bintana. Sanay na ako doon. Kita ko ang buong classroom at kung sino ang papasok. Ilang minuto lang ay pumasok na si Madelight. Tahimik lang siya. Dala-dala yung backpack niya. And as usual may dala siyang aura na parang wala man lang siyang iniisip kahit ang dami niyang problema kahapon. Umupo siya sa seat niya sa right side. P

