Madelight's POV Nandito ako ngayon sa student council hall. Nakaupo sa mahabang lamesa sa gilid. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Pero ramdam ko yung lamig sa dibdib ko habang nakatingin ako sa mga tao sa paligid. Sina Yan, Zach, Chendrix, Danrel, at Brixzain. Lahat sila ay seryoso. Lalo na si Zach. Tahimik si Chendrix sa tabi ko. Nakayuko habang hawak ang ballpen niya. Nagpa-pagpag pa ng dulo nito sa lamesa na para bang iniipon niya ang lakas ng loob para mangusap. "Okay!" Sabi ni Yan. "Kailangan nating alamin kung sino ang nagpakalat ng video clip." Tumayo siya at inilapag ang folder niya sa lamesa. Napalunok ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong sumagot o makinig lang. Totoo naman na hindi dapat kumakalat yung mga ganon. Pero nandito na e. Nasa feed na ng lahat. Trending na

