Madelight's POV Sunday ngayon. Isa na namang araw ng trabaho. Kaya automatic na nag-alarm ang utak ko kahit hindi pa tumutunog yung totoong alarm clock ko. Parang naka-program na talaga ako. I woke up early. Mas maaga pa sa araw na nagsisimula pa lang sumilip sa bintana. Pero kahit ganon. Ramdam ko pa rin yung pagod sa katawan ko. "Another day, Madelight." Bulong ko sa sarili ko habang inaayos ang buhok ko sa harap ng salamin. "Kaya mo ito." Nag-fist bump ako sa repleksiyon ko sa salamin. Pagkatapos kong magligpit ng higaan at uminom ng mabilisang kape. Naglakad na ako papunta sa Foodpanda Restaurant. Hindi ako naka-motor ngayon dahil doon ko iniiwan yung motor ko. Malamig ang hangin pero mabigat sa dibdib yung pakiramdam nito. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o dahil sa lahat ng

