Chapter 5

1404 Words
Madelight's POV Hindi ako naka-uniform ngayon. Hindi dahil pasaway ako kundi dahil nasira yung blouse ko kagabi habang nagde-deliver ako ng pagkain. Kaya ang suot ko ngayon ay plain white shirt, beige cardigan, at black pants. Simple lang pero maayos pa rin. May ID naman ako. So technically hindi naman ako lalabas sa rule. Pero sa dami ng mga mapanghusgang estudyante dito sa Elite International University. Parang automatic na kapag hindi ka naka-uniform iba ka na. Pagkapasok ko pa lang sa gate ramdam ko na agad yung mga tingin nila. "Visitor ba iyan?" "Hindi naman mukhang taga rito a." "Baka staff." Ang sakit din no? Pero sanay na ako. Dahil kung may natutunan ako sa dalawang araw na pag-aaral dito. Yun ay kung gaano kabilis manghusga ang mga tao base lang sa itsura mo. Huminga ako nang malalim. Pinili kong huwag pansinin yung mga bulungan. Diretso lang ako sa corridor hawak yung maliit kong bag habang tinitingnan ang schedule ko sa phone. Second year college na ako. Bachelor of Science in Business Management. Pero minsan pakiramdam ko parang freshman ulit ako. Lalo na't lagi akong napagkakamalang outsider. Paglapit ko sa building may lumapit na babae. Maganda siya. Maayos ang ayos, mabango, mukhang may kaya. Pero sa ngiti niya. Ramdam ko na may halong pang-uusisa. "Hi!" Sabi niya sabay tingin sa ID ko. "Madelight, right?" Ini-angat niya yung mga tingin niya sa mukha ko. Medyo nagulat ako. "Uh, yes? Bakit?" Ngumiti siya. "Nothing. Curious lang ako. I heard something about you kasi. Yung nangyari daw sa hallway two days ago?" Napakagat ako ng labi. Ayun na nga. Hindi ko alam kung may memo ba itong university na dapat lahat ng estudyante updated sa mga chismis. Pero mukhang mabilis pa sa Wi-Fi ang tsismis dito. "A iyon?" Sagot ko. Pilit na nakangiti. "Wala iyon. Misunderstanding lang. Kaibigan ko lang si, Yan. That's all." Ngumiti ako. Tumaas ang kilay niya. "Talaga? E bakit daw hinatak ka niya palayo kay, Zach, at sa tropa nito?" Medyo natahimik ako. Hindi dahil hindi ko alam ang sagot kundi dahil... Bakit ba sila interesado? Hindi naman big deal yung nangyari. "Wala na iyon sa'yo!" Sagot ko. Medyo diretso ang tono. Nagulat siya. Kita sa mukha niya na hindi niya in-expect na ganon ako sumagot. Siguro akala niya mahiyain ako o madali akong paikutin. Pero hindi ako yung tipo ng tao na papayag maging subject ng chismis nila. "Oh, okay!" Sabi niya. Medyo natawa. "Ang taray mo rin pala." Pahabol pa niya. "Depende sa kausap." Sagot ko. Bago pa humaba ang usapan namin. May dumating na naman. Babae ulit. Mas sosyal. Mas may dating. Nakasuot ng branded bag at high-heeled sandals kahit maaga pa. "Margaux!" Tawag ng una kong kausap. Napalingon ako. Margaux? Siya pala iyon. Yung girlfriend ni Yan. Ang ganda niya. In fairness. Maputi, matangkad, at halatang may dugong mayaman. Pero sa unang tingin pa lang alam mong medyo may pagka-suplada na. Yung tipong kapag tinabihan mo nang hindi mo sinasadya maririnig mo agad ang "Excuse me, watch where you're going." "Bakit kayo nag-uusap?" Tanong agad ni Margaux sa amin sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Hindi man siya umimik nang bastos pero ramdam mo yung mata niya na parang sinusuri ako. "A, wala naman, girl!" Sagot nung una kong kausap. "Tinanong ko lang si, Madelight, about the hallway thing." Parang peke siyang ngumiti sa akin. Napataas ang kilay ni Margaux. "Hallway thing?" Tumikhim ako. "Wala iyon. Simple misunderstanding lang." "Misunderstanding?" Sabat ni Margaux sabay cross ng arms niya. "Narinig ko kasi kay, Chynna, na hinatak ka raw ni, Yan, palayo kina, Zach, at, Fujikira, noong first day class. Is that true?" Pinatabi niya yung una kong kausap na babae. Hindi ko alam ang name niya. Bumuntong hininga ako. Ayan na. Ang girlfriend pa mismo ang nagtatanong. "Yes!" Sagot ko. Diretsahan. "Pero wala namang malisya roon. Tinulungan lang niya ako kasi may nangyari." Napa-atras ako. Nagsalubong ang kilay niya. "Tinulungan?" Tumango ako. "Yeah. Tinulungan lang. Period." Tahimik siya sandali. Kita kong pinipigil niya ang emosyon niya between pagiging kalmado at pagiging mainit ang ulo. "Hindi kasi kami pumasok nung first and second day!" Sabi niya pagkatapos. "So, when I heard about it, gusto ko lang marinig galing sa'yo mismo." Nagtaas siya ng kilay. "Understandable." Sagot ko. "Pero like I said, wala naman iyon. Tinulungan lang ako ng boyfriend mo, Margaux. That's all." Bumuntong hininga ako. Medyo natahimik ulit siya. Tiningnan niya ako ng ilang segundo tapos bahagya siyang ngumiti. Yung tipong pilit pero magalang. "Okay!" Sabi niya sa huli. "I'll take your word for it." Ngumisi siya na para bang nangiinsulto. Akala ko tapos na yung interrogation. Pero bago pa ako makapagsalita. May isa na namang dumating. Isang babae. At hindi ko alam kung bakit pero nang makita ko siya. Parang huminto saglit ang paligid. Maganda siya. Sobra. Mestiza, matangkad, makinis. Nakaponytail lang pero mukhang effortless. Tahimik lang siyang lumapit hawak yung phone niya. Wala siyang masyadong ekspresyon pero ramdam ko agad yung presence niya. Paglingon ko. Nakita kong biglang nagpalitan ng tingin sina Margaux at yung una kong nakausap na babae. Parang may alam silang dalawa tungkol sa kanya. "Uy, Fujikira!" Bati ni Margaux. Fujikira? Iyan pala yung nakita kong babae sa hallway noon. In fairness ang ganda niya. Siguro naduling lang ako kaya hindi ko siya namukahan agad. Ngayon ko lang na realize na siya yung babae na nakita kong kaharap ni Zach noong unang araw. Yung dalawa na parang may moment habang ako naman ay naipit sa gitna nila. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Hindi naman ako involved sa kanila. Pero ewan, parang biglang bumigat ang paligid. Tahimik lang si Fujikira habang tumingin sa amin. "Hi!" Sabi niya. Simple lang pero may tindig. "Long time no see!" Sabi ni Margaux. "Akala namin hindi ka na babalik sa Elite International University." Naghalukipkip siya. "I changed my mind." Sagot ni Fujikira. "I realized may unfinished business pa ako rito." Naghalukipkip din siya. Nagkatinginan silang dalawa. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun pero halatang may meaning sa pagitan nila. "By the way!" Sabat nung una kong nakausap. "Fujikira, this is, Madelight. You probably heard about her. The girl from the hallway, remember!" Tinuro niya ako. Tumikhim ako. "Nandito pa pala yung title na iyon." Lumingon sa akin si Fujikira. Hindi siya nagtaas ng kilay. Hindi rin ngumiti. Pero sa tono ng boses niya. Calm pero matalim. "A, ikaw pala iyon." Ngumiti ako ng mahina. "Yeah, unfortunately." Wow english a. "Wala lang iyon!" Sabi ni Margaux. "Sobrang liit lang na issue. Right, Madelight?" Nilingonan niya ako. "Right!" Sagot ko agad. "Tinulungan lang ako ni, Yan. Nothing more, nothing less." Ngumiti na lang ako na may diing hugot ng malalim na hininga. Tahimik silang tatlo. Tapos sabay-sabay silang nagkatinginan. Para bang may pinipigil silang ngiti o lihim. Hindi ko alam kung anong meron pero pakiramdam ko ako yung outsider sa kuwentong hindi ko naman sinubukang pasukin. "Anyway!" Sabi ni Fujikira sa huli. "Good to meet you, Madelight. Sana magkasama tayo sa future events." Tumalikod na siya. "Sure!" Sagot ko. Naglakad na silang tatlo papalayo. Magkasunod habang ako naman ay naiwan sa bench. Naramdaman kong napahinga ako nang malalim. Pero may pahabol pa pala yung una kong nakausap na babae. Binalikan niya ako at nagpakilala siya sa akin. Naglahad siya ng kamay niya at dahan-dahan ko namang tinanggap. "By the way! My name is Cici Atienza Palorada. Just remember it! Bye for now, Madelight. It's nice to meet you!" Saka niya ako iniwan sa kinauupuan ko. Anong nangyayari sa university na ito? Bakit parang kahit saan ako pumunta may kaunting intriga, may mga matang nakatingin, at may mga bibig na laging may masasabi? Habang pinagmamasdan ko silang tatlo. Napansin kong si Fujikira ay biglang lumingon saglit. Nagtagpo ang mga mata namin. Hindi siya ngumiti pero hindi rin siya umiwas. Para bang may binabasa siya sa mukha ko. Pagkatapos noon ay tuloy lang siya sa paglalakad. At ako naman ay huminga nang malalim at sinabihan ang sarili ko. "Okay lang uyan, Madel. Focus ka lang sa studies mo. Wala kang kailangan patunayan sa kahit sino." Nagpaypay ako ng mabilis gamit ang mga kamay ko. Nakakainit ang mga mayayaman na iyon. Pero kahit anong sabi ko sa sarili ko. Hindi ko maiwasang maramdaman na parang unti-unti na akong nahihila papunta sa isang gulong hindi ko alam kung paano sisimulan o kung paano tatapusin. Buhay nga naman. Ang daming pagsubok!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD