Chapter 2

1390 Words
Zach's POV Hindi muna ako pumasok sa unang pasok ko. Actually kaming magbabarkada. Si Chendrix, Danrel, at Brixzain. Ang tinatawag ng mga estudyante dito sa Elite International University na HIT4. Pangalan pa lang may impact na. Parang boy group pero hindi naman kami kumakanta. Varsity players lang na masyadong napapansin ng lahat. h Hindi namin hiningi yung atensyon pero nandiyan na. Sabi nga ni Brixzain minsan. "Bro, kasalanan na ba nating gwapo tayo?" At doon pa lang alam mo nang wala nang pag-asa ang kayabangan namin. "Bro, sigurado ka bang hindi tayo papasok today?" Tanong ni Chendrix habang binabasa yung libro niya sa may couch. Naka-glasses siya, kalmado, parang yung tipo ng taong kahit magbasa ng dictionary ay masaya na. "Wala pa naman gagawin sa first day of class." Sagot ko habang naglalakad papunta sa mini fridge. "Magpapakilala lang, magsusulat ng name, tapos uwian na." Sabat naman ni Brixzain na para bang sobrang sang-ayon niya. "Hindi rin naman tayo ordinary students, Zach." Singit ni Danrel na busy maglaro ng Mobile Legends Bang Bang sa phone niya. "May allowance tayo kahit hindi pumasok." Ngumisi pa siya. "Allowance? Bro, ikaw lang may pakialam diyan." Sagot ko sabay bukas ng canned soda. "Ako, gusto ko lang matulog." Umupo ako sa sofa. "Matulog agad? Bro, kakagising mo lang!" Tawa ni Brixzain na nakahiga sa bean bag habang nag-i-scroll ng social media. "Grabe yung mga post ng mga girls kanina. Puro welcome back, HIT4! Parang concert lang." Umiling siya habang nakangiti. Napailing ako. "They're overreacting." "Overreacting? Ikaw kaya yung pinakamaraming banner sa hallway, bro." Sabat ni Chendrix habang nililipat yung page ng libro. "Baka nga pati faculty fans mo na rin." Inayos niya yung salamin niya sa mga mata niya. "Hindi ko kasalanan iyon." Sagot ko sabay higa sa sofa. "They like what they see." Inilapag ko yung canned soda sa lamesa. Sabay-sabay silang napailing. "Arrogant ka talaga, bro." Sabi ni Danrel. Hindi man lang tumitingin habang naglalaro. "Hindi ako arrogant." Sagot ko. "Confident lang." Patuloy ko. "Confidently arrogant." Dagdag ni Brixzain sabay tawa. "Pero seryoso, bro, nakita mo ba yung bagong batch ng mga estudyante? Sabi ni, Danrel, may mga bagong scholars daw na matatalino." Seryosong tono niya. "Hindi ko alam at hindi ko rin balak alamin." Hinigaan ko yung mga braso ko. "Alam kong ganyan ka sa simula." Ngisi ni Chendrix. "Pero hintayin mo lang. Kapag may babaeng sumita sa ugali mo, doon ka lang natatauhan." Patuloy siya sa pagbabasa ng libro. "Impossible." Sabi ko sabay lagok sa soda. "Walang babae pa ang sumita sa akin. Lahat sila sumasabay lang." Napatagilid ako paharap sa kanila habang nakahiga sa sofa. Tahimik sandali ang dorm. Si Chendrix ay tuloy pa rin sa pagbabasa. Si Danrel ay tumitili sa MLBB. Si Brixzain naman ay tawa nang tawa sa t****k. Typical first day namin. Walang stress, walang recitation, walang professor. Just peace and cold aircon. Hanggang sa biglang tumunog yung phone ko. Notification from the university bulletin. "To all varsity players, mandatory general assembly tomorrow. 9:00 A.M. Attendance is required." Sabi sa malaking speaker sa ibaba. "Bro, assembly bukas." Sabi ko. "Bukas pa? Chill!" Sagot ni Brixzain. "Focus muna ako sa mga reels. Grabe ito o. May Foodpanda rider daw na babae. Sobrang sipag! Viral sa Elite Confessions!" Ipinakita niya yung photo sa amin. Napalingon ako. "Foodpanda rider?" "Oo." Sagot niya sabay lapit ng phone sa akin. "Ayun o." Umiiling siya habang tumatawa. Pinakita niya yung post ng buo. Screenshot ng campus CCTV. May babaeng naka-Foodpanda uniform. Nakasakay sa motor bitbit ang order box. Caption. Hindi ko alam kung sino siya. Pero saludo ako! Working student sa Elite International University! #Proud! Tinitigan ko yung picture. Hindi malinaw pero makikita mong petite siya, mahaba ang buhok, at kahit nakasumbrero may something sa tindig niya. Confident hindi nagmamadali pero halatang sanay sa trabaho. "Working student sa Elite International University?" Tanong ko sabay tawa. "Oo." Sagot ni Danrel na tumigil muna sa laro. "Rare iyan, bro. Alam mo namang halos lahat dito anak-mayaman." Itinuloy niya yung paglalaro niya. Napangiti ako ng bahagya. "Interesting." "Bakit, bro?" Tanong ni Brixzain. Nakangisi. "Type mo?" Biro niya. "Hindi. Curious lang." Sagot ko. "Hindi ko akalaing may ganun dito. Akala ko puro pamilyang loaded." Bumuntong hininga ako at ngumiti na lang. "Maybe she's a scholar." Sabi ni Chendrix. Hindi pa rin inaalis ang mata sa libro. "At least may diversity na kahit paano." Nilingonan niya ako. Tahimik ako sandali. Tinitingnan ulit yung picture. Hindi ko alam kung bakit pero parang may spark of admiration akong naramdaman. Hindi dahil sa itsura kundi sa idea. A girl working hard in a place full of people who had everything handed to them. Rare. Different. "Anyway." Sabi ni Danrel. Binasag ang katahimikan. "Kain tayo sa labas mamaya? Treat ni, Zach!" Tinuro niya ako. "Ha? Bakit ako?" Reklamo ko. "E ikaw naman lagi nananalo sa bets." Sabi ni Brixzain. "Tsaka ikaw may pinaka malaking allowance dito." Nagtaas siya ng magkabilaan niyang kilay habang nakangiti. "Fine." Sagot ko. "Pero ako pipili ng restaurant." Dagdag ko. “Sige! Basta may steak." Sabay-sabay pa silang sumigaw. Napailing ako. These idiots. Pero hindi ko maitatanggi. Mahal ko rin itong tatlong ito. Bandang hapon nag-aya si Brixzain na lumabas muna. "Bro, bili lang ako ng milk tea sa labas ng gate. Sama kayo?" "Pass." Sagot ko. "Gusto ko muna magpahinga." Humikab ako. "E ikaw, Chendrix?" Tinapik ni Brixzain ang balikat ko. "Hindi rin. May binabasa pa ako." Ipinakita niya yung libro. Bookworm talaga siya. "Danrel?" Tinuro ni Brixzain ito. "Busy ako. Rank game ito!" Patuloy siya sa paglalaro. Umirap si Brixzain. "Fine! Ako na lang!" Pagkalabas niya. Tumahimik ulit ang dorm. Ako naman nakahiga sa sofa. Tinitingnan yung kisame. First day of second year. Same routine. Same people. Same expectations. Nakakainip minsan kapag parang predictable na lahat. Minsan gusto ko rin maramdaman yung feeling ng hindi mo alam kung ano ang mangyayari bukas. Yung may thrill. Pero sa lugar na ito na hawak ng tatay ko. Na lahat ng pinto ay bukas para sa akin. Mahirap maramdaman iyon. Kasi parang lahat nakaplano na para sa'yo. "Bro." Tawag ni Chendrix. "Kamusta kayo ng, Dad, mo?" Seryosong tanong niya. Napatingin ako sa kanya. "Same old. Wala namang bago." "Still strict?" Kunot-noo niyang tanong. "Still cold." Tumango ako. Tumango rin siya. "Pero proud siya sa'yo. You're the face of the university." Napatawa ako ng mahina. "The face, huh? Pero hindi naman ako free." Tahimik si Chendrix. Alam niyang totoo iyon. Sa totoo lang hindi ko rin naman gusto lahat ng fame at attention. Nakakapagod rin. Pero sanay na ako. Kaya ko yung i-handle. Nang bumalik si Brixzain. May bitbit siyang plastic bag. "Guys! May nakita akong bagong milk tea shop sa labas ng gate. May promo pa! O, Zach, sa'yo ito." "Thanks." Sabi ko sabay kuha. "Bro, guess what? Nakita ko yung Foodpanda girl kanina sa gate!" Sabi ni Brixzain. Excited masyado. Napatingin ako. "Talaga?" "Oo! As in ang liit niya. Pero ang bilis magmaneho. Ang cute pa. Parang hindi pagod kahit halatang pagod na." Umupo si Brixzain sa tabi ko. "Sinundan mo pa talaga?" Tanong ni Danrel. Natawa. "Hindi a! Nakita ko lang." Kunot-noong tanggi ni Brixzain. Tumikhim si Chendrix. "Mukhang curious ka na rin, Zach." "Hindi a." Sagot ko agad kahit totoo namang naintriga ako. "Baka lang may kakaiba lang talaga sa kanya." Uminom ako ng milk tea. "Baka destiny iyan." Biro ni Brixzain. "Destiny my ass." Sagot ko. Tumatawa pa ako. "Hindi ako naniniwala sa ganun." Napapikit ako sabay buntong hininga. Bandang gabi nasa balcony ako mag-isa. Malamig ang hangin. Tahimik ang paligid. Kita ko mula rito yung mga ilaw ng university, dorms, buildings, at yung malaking gym. Habang tinitingnan ko yung campus. Naisip ko na lahat ng tao rito ay may dahilan kung bakit nandito sila. May mga mayayaman na gustong i-continue ang legacy ng pamilya nila. May mga atleta na gustong magdala ng pride sa university. At siguro ay may mga katulad nung Foodpanda girl na gusto lang makapag-aral kahit mahirap. Hindi ko siya kilala pero parang gusto kong malaman kung sino siya. Siguro kasi sa unang beses sa matagal na panahon. Nakakita ako ng taong mukhang hindi natatakot kahit pagod na. Yung hindi umaasa sa pangalan kundi sa sariling kayod. Napangiti ako sabay buntong hininga. Foodpanda girl huh? Bulong ko sa sarili ko. Let's see if destiny's got a sense of humor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD