SINABI NG AKIN KA C17
Nasa loob na ng mall sina Hope at Margoux at kasalukuyang bumibili ng popcorn at maiinom na dadalhin sa loob ng sinehan. Napili nilang panoorin ay isang disney movies na bagong labas lamang. Pumasok na silang dalawa sa loob ng sinehan na may kadililiman at naghanap ng bakanteng mauupuan.
Tamang-tama naman dahil may nakita silang magandang pwesto at may magkasunod na apat na upuang bakante. Pinuntahan nila eto at naupo. Nagumpisa na silang manuod at kumain ng popcorn na kanilang dala. Tutok na tutok silang magkaibigan sa pinapanood. Ngunit sa paglingon ni Hope kay Margoux ay tulog na pala eto. Nagtataka talaga siya kong bakit natutulog eto sa sinehan kesa sa sarili nitong kwarto sa bahay.
Hinayaan na lamang niya ang kaibigang matulog at ipinagpatuloy ang panunuod. Subalit napansin niyang may papalapit sa katabing upuan niya na bakante. Isang lalaking naka hodie at nakasuot ang hood nito, may dala eto sa kaniyang kamay na isang teddy bear. Hindi masyadong maaninag ang mukha ng lalaki at isa pa walang pakialam si Hope dito.
Tahimik etong umupo sa tabi niya habang siya naman ay deretso at seryosong nanunuod. Nasamyo niya agad ang mabangong amoy nito na sa pakiramdam niya ay naamoy na niya eto pero binalewala lamang ni Hope. Hawak-hawak niya ang bigsize paper cup ng popcorn sa kaniyang kaliwang kamay na nakapatong sa arm chair. Abala siya sa panunuod at pagsubo ng popcorn.
Biglang nagulat si Hope ng ilagay sa kaniyang dibdib ang teddybear ng katabi. Syempre napalingon siya bigla at gumuhit ang saya sa kaniyang mukha ng mapagsino ang lalaking iyon. Walang iba kong hindi si Ryo.
"Ryo." Ang hindi makapaniwalang sabi ni Hope. Hindi talaga niya inaasahang nandirito eto ngayon sa kaniyang tabi.
Hinawakan naman ni Ryo ang kamay ng dalaga, ngumiti ng simple at pinisil ang kamay niyang hawak nito. Wala sa pinapanuod ang mga mata nilang dalawa. Kapwa malagkit ang pagkakatitig nila sa isat-isa habang okopado ang dalawang kamay ni Hope. Dahil ang kanang kamay niya ay yakap-yakap naman ang teddy bear na bigay ni Ryo sa kanya na may tatlong dangkal ang taas.
Sumenyas si Ryo na ang ibig sabihin ay manuod na si Hope. Sinunod naman siya ng dalaga habang dinadama ang pagpisilpisil sa kaniyang kamay ni Ryo. Naguumapaw ang kaligayahan sa puso ni Hope kaya kahit nakatingin siya sa malaking screen at sa palabas na iyon ay wala siyang maintindihan.
Nagkasya silang dalawa na magkatabi at patingin-tingin sa isat-isa. Humilig si Hope sa balikat ni Ryo, habang kunyari ay nanonood ng palabas. Ngunit deep inside wala talaga siyang maintindihan dahil ang puso niya ay hindi niya mawari. Basta ang alam niya masayang-masaya siya dahil napatunayan niya sa kaniyang sarili na hindi talaga siya nagkamali. Mahal siya ni Ryo at hindi man eto komontak sa kanya kagabi at sa buong maghapon ay bumawi naman eto ngayon.
Malapit ng matapos ang palabas sa sine nang magising si Margoux, nagulat pa si Hope ng maramdaman ang pagkilos nito sa kaniyang tabi. Kaya naman parang napaso siya na kumalas sa pagkakahawak sa kamay ni Ryo.
"Tapos na ba? Nakatulog ako he!he!he!"
"Oo patapos na nga. Ano uulitin mo pa ba? "
"Hindi na, may pasok pa tayo bukas ng maaga. "
"Okay." Sabay lingon ni Hope kay Ryo ngunit wala na eto sa kaniyang kinauupuan.
"Ay wow ang ganda namang teddy bear niyan, San galing yan?"
"Ha ah eh, W-wala eto, may nagabot lang sa akin na nakaupo doon sa dulo. Ang sabi niya ay akin na lang daw tapos ayon umalis na. Mukha yatang hindi sinipot ng ka-date niya mainit ang ulo eh." Pagsisinungaling ni Hope.
"Ganon ba kawawa naman. Hindi lahat ng tao ay pinapalad makatagpo ng tunay na pagibig. Karamihan talaga ay manloloko. " Hugot naman ni Margoux.
Nagsawalang kibo na lamang si Hope dahil batid niyang nasasaktan ang kaibigan. Sa himig kasi ng pananalita nito ay hindi na kailangan pang tanungin, ramdam na ramdam ang kabiguan nito.
Tumayo na ang magkaibigan at lumabas ng sinehang iyon. Si Hope na tila may hinahanap sa paligid ay nahalata ni Margoux.
"Bakit Hope?"
"Ha? W-wala halika na."
"Ang daming bata dito at ang cucute tingnan kasama ng kanilang mga magulang. Kamuntikan na akong magkaanak pero mabuti din iyon at hindi siya nabuhay. Baka hindi ako maging isang mabuting ina sa kanya lalo na't magiging alaala lamang siya ng demonyong ama niya sa akin. Pero alam naman ng diyos na hindi ko sinadyang mawala siya. ..Hindi ko na alam kong may magmamahal at tatanggap pa kaya sa akin at kong kaya ko pang maniwala sa pagmamahal na 'yan.
"Ano ka ba, huwag dapat mawalan ng pagasa. Maniwala ka sa akin Margoux may lalaking nakalaan para sayo nasa tabi-tabi lang 'yan. Maniwala ka may magmamahal at tatanggap sayo kahit ano ka pa man. Ang tunay na pagibig ay bulag, walang tama sa mali kapag nagmahal o minahal ka ng totoo. Sabi nga 'di ba, habang may buhay may pagasa. Kaya kalimutan mo na 'iyang nakaraan past is past hindi ba? Siradong aklat na iyan ng buhay mo magsimula kang muli at magdasal. Mabait ka at maganda Margoux in and out , kaya alam ko bibigyan ka ni Lord ng lalaking para sayo talaga na mabait din at tiyak aalagaaan ka at mamahalin ng totoo." Pagpapalakas loob ni Hope sa kaibigan na tila papatak na ang luha nito sa mata.
"Salamat Hope pinapalakas mo ang kalooban ko at andito ka para sa akin. Pero sa ngayon ginagamot ko pa ang sarili ko. Hindi madali ang makalimot Hope. Alam ko hindi mo pa ako naiintindihan sa ngayon dahil hindi mo pa nararanasan ang mabigo at lokohin ng taong minahal mo at pinagkalooban ng lahat-lahat."
"Tama ka dyan Margoux, Hindi pa nga. At sana ay hindi ko maranasan pero sisikapin kong hindi ako papaapi sa kahit sinoman kahit demonyo pa siya. Subukan lang niyang magloko at ng malaman niya kong ano ang kaya kong gawin."
"Ha? B-bakit may boyfriend ka na ba? Sino? kilala ko ba? Kasamahan ba natin sa work?"
"Ha? Ah eh w-wala ah. N-nasabi ko lang halika na nga at nang makauwi na tayo ng maaga."
Inihatid mona ni Margoux si Hope sa kanilang bahay gamit ang sariling kotse nito at umalis na din. Naabutan agad ni Hope si Leon sa talyer na mismong harapan din ng bahay nila Hope.
"Wow ha may pa stuff toys si Sisa ah. Saan yan galing? Sino ang nagbigay?"
"Hoy Leon, maganda ang mood ko ah, huwag mong sirain."
"Eto naman para nagtatanong lang eh galit agad. Masama bang magtanong."
"Hindi naman. Pero kasi, kapag galing sayo tunog boyfriend na nagseselos eh. "
" Ayun oh nadale mo Hope ha!ha!ha!..Nagseselos lang yan si Leon." Saad naman ni Mang Kanor na mahilig talaga silang bantayan na dalawa ni Leon.
"Naku! Naman Hope. Huwag mong sabihing hanggang ngayon ay hindi mo pa alam na matagal ka nang gusto ni Leon. Ikaw naman kasi Leon mali kasi 'yang paraan mo ng panliligaw sa kapatid ko."
Hindi inaasahan ni Hope ang narinig sa kaniyang kuya Philip. Lahat ng mga tao doon sa talyer ay sa kanya nakatingin buti na nga lamang ay puro tauhan lamang ni Philip ang naroroon at walang ibang tao. Dali-daling pumasok ng bahay si Hope. Hindi niya kasi alam ang isasagot sa kanila.
"Kayo naman pinapangunahan nyo naman ako ."
" Torpe ka kasi at mali ka kong dumiskarte." Sabi ulit ni Mang Kanor habang abala sa kinokompuning makina ng jeep.
"Baka lalo lang mainis sa akin si Hope niyan."
"Ha!ha!ha! Ngayon ka pa nagaalala diyan eh matagal na ngang inis sayo ang kapatid ko. Palagi mo kasing inaasar malay ba niyan na gusto mo siya...Pasalamat ka na nga lang at wala pang boyfriend si Hope, baka may pag-asa ka pa."
"Naku Boss Philip 'di ba nga madalas nagkakatuluyan ay ang magkaaway na parang asot pusa." Sabat muli ni Mang Kanor.
"Oo nga no." Nabuhayang loob ni Leon..
"Kahit kaylan ay bweset ka talaga sa buhay ko Leon. Pero ano daw? may gusto sa akin si Leon? Impossible naman no. Teka nga bakit ko ba pinagaaksayahang isipin ang lokolokong 'yon. Masaya ang puso ko ngayon at iyon ang mahalaga."...
*******
"Anong kailangan mo Crizza?"
"Galit ka parin ba sa akin?"
"Bakit naman naisip mo na galit parin ako sayo? Sabihin mo na lang ang kailangan mo at marami pa akong nakatambak na gagawin."
"Galit ka pa nga."
"Bahala ka kong 'yan ang pagkakaintdi mo. Anong kailangan mo?"
"Ryo....Mahal parin kita. Wala akong naging ibang kasintahan at minahal kong hindi ikaw lamang. Alam mo namang nagawa ko lang na layuan ka kasi sa mga magulang ko hindi ba?"
"Matagal na 'yon nakalimutan ko na."
"Gusto kong makipagbalikan sayo... Dahil hindi ko na kaya, ikaw lang ang lagi kong iniisip, ikaw lang ang lalaking kaya kong mahalin. " Ang deretsong sabi ni Crizza.
Hindi naman kaagad nakapagsalita si Ryo. Napatitig siya sa mukha ni Crizza. Kinuha ng babae ang kamay ni Ryo at ikinulong sa kaniyang dalawang kamay.
"Maniwala ka Ryo, Wala akong naging ibang lalaki o minahal mula ng magkahiwalay tayo. Nagsisisi ako kong bakit hindi ko nagawang ipaglaban ang pagmamahal ko sayo sa mga magulang ko. Nagsisisi ako Ryo, please patawarin mo ako at bigyan ng second chance. Sa ngayon ay wala nang magiging problema pumapayag na ang parents ko sa relasyon nating dalawa. "
"Ano pumapayag na sila?" Ang hindi makapaniwalang tanong ni Ryo. Natatandaan pa kasi niya ang mga sinabi ng mga eto sa kanya noon. Na hindi daw nila hahayaang madungisan ang malinis nilang reputasyon at malahian ng dugong kriminal.
"Oo Ryo. Katunayan niyan iniimbitahan ka nila sa bahay. Gusto nilang humingi ng tawad sayo."
"Hmm! Imposible."
"Totoo Ryo tanggap ka na nila."
"Kailangan ko nang umalis Crizza dahil may mahalaga pa akong apoinment ngayon. Tatawagan na lamang kita pero kailangan ko na talagang umalis." Pagpapaalam ni Ryo. Nasa isang restobar silang dalawa. Hindi naman talaga si Crizza ang sadya ni Ryo dito. Si Hades ang nagpapapunta sa kanya dito at nang siya ay dumating ay naroon din si Crizza. Ipinagtapat naman ni Hades na pinapunta niya lamang si Ryo dahil sa pakiusap ni Crizza at iniwanan na silang dalawa.
Habang nasa loob ng sasakyan ay nasa isipan parin ni Ryo ang mga sinabi ni Crizza. Oo at minahal niyang talaga si Crizza. Walang araw at gabi na hindi niya eto naaalala. Eto ang kaniyang first love at una sa lahat. Taon din ang kaniyang binilang sa paghahantay sa kanya na sana ay bumalik eto sa kanya. Matagal niyang hinantay na marinig ang mga salitang binitiwan nito kanina. Ang totoo niyan ay masaya siya, masaya siya dahil dito. Mahal parin niya si Crizza kaya nga wala rin siyang seneryosong babae mula ng magkahiwalay silang dalawa noon.
Hindi siya nakapagbigay ng kasagutan kay Crizza, dahil tila nagramble ang kaniyang isipan at puso kanina. Bigla kasing lumitaw ang mukha ni Hope sa kaniyang balintataw. Sa ngayon ay may Hope na siya, isang inosenteng Hope na walang ginagawang mali sa kanya kong hindi ang mahalin siya at ipilit ang sarili sa kanya. Hindi siya pwedeng makagawa ng pagkakamali. Ang segurado lamang siya sa kaniyang sarili sa ngayon ay ayaw niyang masaktan si Hope. Mahalaga eto sa kanya at mahal na niya ang dalaga. Pero mahal parin niya si Crizza. Bagay na nagpapagulo ng kaniyang isipan ngayon.
May mga bagay talaga sa buhay na hindi mo inaasahan na mangyayari at kusang darating nang hindi mo pinaghahandaan at masasabi mong mapaglaro ang tadhana...