"Thank you for visiting, twins." nakangiting sabi ni tita Mika sa amin. Nakahiga s'ya ngayon sa hospital bed dahil hindi s'ya hinayaan ng mga doctor na gumalaw nang gumalaw. "Thank you for bringin the boys." Napatingin kami sa kambal na kinakausap ni tito Nicholas sa couch. Nagtatawanan din sila. Tumingin ulit ako kag Tita. "Wala po 'yon." sabi ko. "Kumusta po kayo?" tanong ni Ryzk. "Medyo humihilab s'ya pero kaya pa naman." nakangiting sabi ni Tita. "Excited na po kaming makita si baby, lalo na 'yang kambal." napatingin si Tita sa kambal. "Hm. Nagtanong pa sila sa amin kung paano raw s'ya aalagaan kapag nakalabas na s'ya." nakangising sabi ni Ryzk. Natawa ng marahan si Tita. "Hiniling nila e." namula na lamang ako sa sagot ni Tita na ikinatawa n'ya. Hinawakan n'ya ang kamay ko

