Mag-iisang taon na kong naka-stay rito sa Canada at okay naman lahat. Habang nag-aaral ako ay tumutulong ako sa restaurant. Mabuti na lang din ay nakuha ko na yung National Certificate ko kaya papayagan na kong magtrabaho dito. Nakulong ng tuluyan ang kamag-anak ni tito Nich, nung una ay muntikan na raw nila itong malusutan pero marami raw ebidensya kaya hindi nangyari. Nakulong silang mag-asawa habang ang mga pinsan ni Tito ay hindi na namin alam kung saan nagpunta. Sinubukan silang hanapin ni Tito pero wala talaga, hindi na sila mahagilap ni ma-contact. Gusto pa sanang hanapin nila Tito ang mga pinsan n'ya pero nakatanggap s'ya ng sulat na 'wag na raw silang hanapin at ipagpatuloy na lamang ang kani-kanilang buhay. Humingi rin sila ng tawad sa amin na s'yang tinanggap namin. Kaya nga

