Chapter 21

1417 Words
Pinag-aaralan ko rito sa music room ang kantang tutugtugin ko sa program. Naisipan kong i-try ang isang kanta. I like your eyes, you looked away when you pretended to care I like the dimples on the corners of the smile that you wear Gustong-gusto ko talaga kapag ngumi-ngiti s'ya, ayun yung nagustuhan ko talaga sa kan'ya. Kapag nakikita ko ang ngiti n'ya, bumibilis ang t***k ng puso ko. You wore them more with her, I knew and I was scared I let myself fall deeper but I was prepared Pero ang sakit lang na makita na binibigay mo sa iba yung ngiting gustong-gusto ko. Gusto kong akin, gusto kong sabihin na sa akin ka lang dapat ngumiti nang ganun, pero sino naman ako 'di ba? Kapatid lang naman ako ng kaibigan mo. I liked your shirt, the one I gave you can't forget how you smell But now on different shoulders hang the jacket I used to wear I loved you for so long, sometimes it's hard to bear But after all this time I wish you well from here Yung blazer mo na lagi mong sinasabit sa balikat ko, nami-miss ko na. Pati yung pabango mo na palihim kong inaamoy, hinahanap-hanap ko. Pero wala e, yung blazer mo nakasabit na sa balikat ng iba, yung pabango mo, naaamoy na ng iba. Pero okay lang, siguro kailangan ko ng bumitaw. Kaya sana maging masaya ka na dahil nakalaya ka na sa engagement na nagkukulong sa iyo na gawin ang gusto mo. I loved you every minute, every second Loved you everywhere and any moment Always and forever was just for a moment 'cause I was not the one, I don't know how Walang oras, walang araw na hindi kita inisip at minahal. Ikaw yung naging mundo ko. Pero na realize ko, hindi mo dapat gawing mundo ang dapat na tao lang. Kasi masakit yung magiging balik. Alam kong hindi talaga ako para sa iyo, kaya ayos lang. Basta makita kitang masaya, masaya na rin ako. I loved you 'til the last of snow disappeared Missed you on the rainy days of the year Never knew of pain like this but I've got to know Thought I loved you so Why did you go? Mahal kita pero tama na siguro na minahal kita higit pa sa dapat. I hate the way you let us go like it was all just nothing I hate the way you hit the notes, but not the words I'm saying I hate the little things like when I'm unaware I still remember how we broke so perfectly Ang sakit kapag naaalala ko yung mga panahong nakikita kita kasama sila. Sobrang sakit, parang binibiyak ang puso ko. Though sometimes when life brings me down Time can heal my heart Through the bad rainy days I know that I will be okay Pero kahit ganun alam ko paglipas ng panahon magiging okay rin ako. Makakalimutan ko rin ang nararamdaman ko para sa'yo pero yung mga alaala ko kasama ka, hindi ko kakalimutan 'yon, I will treasure every memory with you. I loved you every minute, every second Loved you even if it was for a moment Always and forever can wait for the time because You were not the one, I know that now Kahit pala gaano kita kamahal kung hindi ka para sa akin, hindi ka talaga ibibigay at tanggap ko 'yon. Sabagay, bata pa naman tayo. Makakahanap pa ako, mahahanap ko rin s'ya at mahahanap mo rin ang para sa iyo. In a world still full of life I see color In a bit of time 'cause we deserve better Always and forever when the right one comes because Part of loving you is letting go Part of loving you was letting go Ang mundo, punong-puno ito ng kulay parang sa pagmamahal. When we are happy, it's colorful but when it's painful its turns dark. But when time pass, it will get better, it will turn colorful because we healed. Dun ko na realize na yung pagmamahal ko para sa'yo ay may kasamang pagbitaw. Kasi gusto kong maging masaya ka, kung ikukulong kita sa akin, hindi ka magiging masaya kasi hindi mo naman ako mahal. Pero dahil mahal kita, bibitawan kita, kasi gusto ko kitang maging masaya. Gusto ko makitang maging masaya ka. Gusto kong makita mo ang kasiyahan mo na hindi ako kasama. Kasi ganun kita kamahal. Na handa akong bitawan ang kaligayahan ko basta makitang kitang masaya at hindi nasasaktan, kahit na ako yung masasaktan sa huli. Pagkatapos kong kumanta ay napahikbi na lamang ako sa sakit. Gustong-gusto ko ng makalimot. Gusto ko ng tanggalin yung pagmamahal. Pero hindi ko dapat ito minamadali. Dapat ko itong unti-untiin, para siguradong makakalimutan ko ang nararamdaman ko para sa kan'ya. Huminga ako ng malalim at balak kong magpractice ulit para sa iba ko pang kakantahin. Kaso mags-strum pa lang ako sa gitara nakarinig na ako ng mga yabag kaya napalingon ako at halos mahulog sa kinauupuan ng makita ko si Reo. Shit! 'Wag mong sabihing kanina pa s'ya d'yan. "K-kanina ka pa?" nauutal na tanong ko. Kinakabahan kasi ako. Umiling s'ya. "Hindi naman. Naabutan lang kitang umiiyak." lihim akong napabuntong hininga. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko at tumalikod sa kan'ya para masimulan ko na ulit ang pagpa-practice. "Nakarinig lang ako ng hikbi kaya tinignan ko. Hindi ko alam na ikaw pala ang umiiyak." sagot n'ya. "Ngayong nakita mo na kung sino yung umiiyak, makakaalis ka na." malamig na tugon ko. Hindi n'ya ko masisisi. Kailangan ko s'yang layuan. Kasi kapag nakikita ko s'ya, laging pumapasok sa isip ko yung mga araw na nakikita ko s'yang may kasamang iba't ibang babae. Sobrang sakit. "Busy rin ako. Gusto kong mag-focus." dugtong ko. "Sorry." mahinang sabi n'ya pero dahil kaming dalawa lang rito at binabasa ko pa ang kantang kakantahin ko ay narinig ko iyon. Tumango ako. Hindi ako nakarinig ng yabag ni tunog ng pagbukas at pagsara nang pinto ay hindi ko rin narinig. Kaya paniguradong nandito pa s'ya at nakatingin sa akin kaya nilingon ko s'ya at tama nga ang hinala ko. Nandito pa rin s'ya at nakatingin sa akin habang seryoso ang itsura at nakapamulsa. "Ano pang ginagawa mo rito? Wala ka bang balak umalis?" tanong ko. Mahihimigan sa boses ko ang lamig at alam kong napansin n'ya iyon kaya napabuntong hininga s'ya. "I'm sorry." sabi n'ya at napatungo. Alam ko ang ibig sabihin n'ya roon. Hindi s'ya humihingi ng tawad dahil sa nandito s'ya. Humihingi s'ya ng tawad dahil sa ginawa n'ya noon. "May magagawa pa ba 'yan?" tanong ko. "Matatanggal ba agad n'yan yung sakit, Reo? Hindi. Hindi n'yan agad maaalis yung sakit na binigay mo. Gustong-gusto ko ng tanggalin at kalimutan yung nararamdaman ko para sa'yo." pinunasan ko ang mga luha ko. "Kasi ang sakit-sakit na. Hindi ko na kaya. Kapag nakikita kita, yung memorya ko kung saan kasama mo sila. Ayun lagi kong nakikita. Kaya ayaw kitang tignan ni makasalubong, kasi kapag nakikita kita, ang sakit-sakit." humugot ako ng hininga dahil sa paninikip ng dibdib ko. Ang sakit sa puso kapag nakikita ko s'ya. Ni maisip nga e, ang sakit-sakit na. Paano pa kaya ngayong kaharap ko na at nakakausap ko pa s'ya? Mas lalong tumintindi yung sakit. "Reo, oo, hiniling ko na sana masuklian mo yung pagmamahal na binibigay ko, kahit katiting, tatanggapin ko. Pero alam kong imposible kaya winawaksi ko s'ya isip ko. Pero sana, kahit respeto man lang, Reo. Respeto. Sana yun man lang ang ibinigay mo sa akin pero hindi mo pa binigay." marahan kong pinunasan ang mga luha ko ng makitang magbabalak s'yang lumapit ay umiling ako. "D'yan ka lang, 'wag mo ng balaking lumapit pa sa'kin." tumango s'ya at umatras. "Pero hindi ko pinagsisisihan na minahal kita, Reo." binigyan ko s'ya ng maliit na ngiti. "Kasi yung pagmamahal na meron ako para sa'yo, dun ko natutunang bumitaw sa mga bagay na hindi talaga para sa akin. Hindi ko pipilitin ang sarili ko at hindi kita ikukulong sa isang bagay na alam kong masasaktan ka." "Reese..." I give him a genuine smile. "Binibitawan ko na ang nararamdaman ko para sa'yo. I'm letting you go, Reo. I want you to be happy. So, find the happiness that you deserve. Because you deserve it." Tumayo ako habang hawak-hawak ang gitara ko at nilapitan s'ya. "Good bye, my first love." sabi ko at hinalikan s'ya sa pisngi. "Be happy, Reo." at lumakad papalabas sa music room, papalayo sa kan'ya. *** Credits to Miss Ysabelle for the song?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD