Simula ng mawala s'ya lagi ng tulala si Ryzk, minsan wala pa s'ya sa sarili. Gusto ko mang maging matatag at manghugutan n'ya ng lakas hindi ko rin kaya. Kasi kahit ako, nasaktan din ng sobra sa nangyari. Lagi rin akong tulala at umiiyak sa kwarto. Kahit sandali lang kaming nagkakilala, hindi lang kaibigan ang turing ko sa kan'ya. Tinuring ko na rin s'yang kapatid.
Kaya ang sakit para sa'kin na wala na s'ya sa tabi ko. Pero kahit gano'n kailangan namin magpatuloy kahit wala na s'ya. Kailangan namin tuparin ang pangako namin sa kan'ya at sa sarili namin. Sad'yang mahirap at masakit lang kay medyo nahihirapan kami. Nandyan naman si Ate para sa'min pero hindi palagi. Pero may isang tao na nandyan hindi lang para kay Ryzk, kundi para na rin sa'kin
Si Xyler Reo Xavier...
S'ya 'yong nandyan kapag bibigay na kami. S'ya 'yong pinagkukuhanan ko... namin ng lakas. S'ya 'yong nandyan kapag kailangan ko ng masasandalan. Kaya sobrang saya ko kapag nandyan s'ya. Lumakas ako dahil tinulungan n'ya ako. Kaya ngayon ay nasasandalan na ako ng kakambal ko kasi may lakas na ako para matulungan s'ya. Thanks to him.
Ilang buwan din n'ya akong tinulungan bago ko s'ya matulungan sa kapatid ko. Ilang buwan din ng marealize ko na nahuhulog na pala ako sa kan'ya. Pero hindi ko 'yon aaminin kasi alam kong nakababatang kapatid lang naman ang turing n'ya sa'kin. Atsaka ayoko namang may magbago sa kung anong meron kami ngayon dahil lang umamin ako. Okay ng mahalin ko s'ya ng palihim at least nakakasama at nakikita ko s'ya kesa naman sa mawala lahat.
Oo alam ko na dapat gawin ko lahat para wala akong pagsisihin sa huli. Pero natatakot din ako na kapag umamin ako, pagsisihan ko s'ya kasi nawala kung anong meron kami. Okay ng ganito. Okay ng masaktan ng palihim. Basta nandyan s'ya sa tabi ko. Masaya na ko. Sapat na sa'kin 'yon.
"Tulala ka na naman d'yan." rinig kong sabi ng pamilyar na boses kaya napalingon ako ay nakita kong nakatayo si Reo sa gilid ko habang nakatingin sa akin. As expected, hindi na naman nito suot ang blazer n'ya. Kaya nakaputing long sleeve polo ang suot nito, nakapamulsa pa s'ya sa harap ko. Habang tinitignan ko s'ya ay bumilis ang t***k ng puso ko kaya umiwas ako ng tingin at tumingin sa harap.
"Ano na naman 'yang iniisip mo?" kalmadong tanong n'ya kaya umiling ako.
"Namiss ko lang s'ya." sabi ko at bumuntong hininga.
Namayani ang katahimikan sa paligid namin. Tunog lang ng malakas na hangin at ng mga dahon ang naririnig n'ya. Nandito kasi sila sa rooftop ngayon kaya mahangin. Mabuti na lamang at itinali ko sa bewang ko ang blue kong jacket kaya hindi nililipad ang palda ko.
"Wala ka na bang klase?" tanong n'ya kaya umiling ako.
"Wala na." sagot ko. "Naging magkaklase na kayo ni Ryzk, 'di ba?" tumango naman s'ya.
"Simula kasi ng mawala s'ya binitawan n'ya ang culinary arts. Sabi n'ya sa'kin tutuparin na n'ya ang pangako n'ya sa dalawang babaeng dumating sa buhay n'ya kaya pinagtuunan n'ya ng pansin 'yon. Do'n n'ya binuhos lahat ng oras n'ya." kwento ko.
"Alam ko. Hindi mo naman kailangan mag-alala sa kan'ya. Kaya na n'ya ang sarili n'ya. Pwede ko rin naman s'yang tulungan." sabi ni Reo kaya tinignan ko s'ya habang s'ya naman ay nakatingin sa harap.
"Thank you..." sinserong sabi ko kaya nagtatakang napatingin s'ya sa akin.
"For what?"
"For helping us. For helping him." nakangiting sabi ko kaya umangat ang gilid ng labi n'ya.
"He's my bestfriend. It's my duty to help him..." kaya lalo akong napangiti. Nag-aalala talaga s'ya sa betfriend n'ya. "... and you."
Lalong bumiling ang t***k ng puso ko ng sinabi n'ya 'yon. Alam n'yang walang ibang meaning 'yon pero sadyang ang sarap lang kotongan ng sarili n'ya dahil parang nilalagyan n'ya na ng meaning.
Napaiwas na lamang s'ya ng tingin at pasimpleng bumuntong hininga.
"Kailangan ko ng umuwi. Pagod na kasi ako." sabi ko at lumapit sa isang upuan kung nasaan ang bag ko.
Aalis na sana ako ng tuluyan at iwan s'ya rito sa rooftop ay hindi nangyari dahil hinawakan n'ya ang siko ko kaya napatigil ako sa paglilikad. Parang may kuryenteng dumaloy sa akin ng hinawakan n'ya ako kaya kunot noong nilingon ko s'ya at pilit kong inaalis ang pagkakahawak n'ya sa akin ay hindi nangyari. Humigpit ang hawak n'ya sa siko ko pero hindi naman ako nasaktan.
"Reo, bitaw. Uuwi na ko." sabi ko ng may diin.
"Ihahatid na kita." mas lalong kumunot ang noo ko. Magsasalita pa sana ako ng magsalita s'ya ulit. "'Wag ka ng tumanggi. Alam ko namang hinatid ka lang din dahil magkasabay kayo ni Ryzk. Kaya hayaan mo na kong ihatid ka." napapikit na lamang ako at bumuntong hininga.
Dinilat ko ang mata ko at tinignan s'ya.
"Fine." hindi na ako makikipagtalo. Hindi rin naman ako mananalo. Atsaka totoong pagod ako ngayon. Baka mas lalo akong mapagod kung makikipagtalo pa ko sa kan'ya.
Kinuha n'ya ang bag ko at naglakad, dahil nga hawak- hawak n'ya pa rin ang siko ko ay nahatak n'ya rin ako. Pagkasakay namin ng elevator ay tahimik lang kami. Hindi pa rin n'ya binibitawan ang siko ko, ayoko na rin naman ng gumalaw at tanggalin ang pagkakahawak n'ya sa'kin dahil siguro sa pagod o dahil din sa gusto ko. Hay! Ewan.
Pagkarating namin sa parking lot ay hinatak n'ya ako palabas hanggang sa makarating kami sa sasakyan n'ya. Pinagbuksan pa n'ya ako ng pinto kaya agad akong pumasok. Nang magse-seatbelt na ako ay inunahan n'ya ako kaya nang sinusuot n'ya sa akin ang seatbelt ay hindi ko maiwasan na maamoy ang pabango n'ya, pero hindi nga pala s'ya nagpapabango.
Nang maisuot na n'ya sa akin ang seatbelt ay tinignan n'ya ako kaya halos hindi ako makahinga dahil sa lapit ng muhka namin. Umiwas ako ng tingin kaya umalis s'ya sa harap ko at sinara ang pinto. Napabuga ako ng hininga dahil sa pagpipigil kanina. Naramdaman ko rin ang sobrang bilis ng t***k ng puso ko kaya ng hahawakan ko na ang dibdib ko ay agad ko itong binaba ng marinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. Napansin kong nagsusuot na ng seatbelt si Reo kaya isinandal ko ang ulo ko sa bintana.
Tahimik lang kami sa buong byahe. Wala rin naman akong lakas ng loob na kausapin s'ya siguro dahil na rin sa pagod. Atsaka nakakapagod din na magpanggap na wala akong feelings para sa kan'ya. Nakakapagod magpanggap na kaibigan lang ang turing ko sa kan'ya kahit higit pa ro'n ang nararamdaman ko. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Ayon lang naman ang nakikita kong paraan para makita, malapitan, at makausap ko s'ya. Ayon lang. Dahil panigurado, kapag nalaman n'ya ang nararamdaman ko, iiwasan n'ya ko. Gano'n naman talaga 'di ba? Kapag nalaman nila na nagkakagusto ang kaibigan nila sa kanila, iiwasan nila 'yon. Kaya ang nangyayari mawawala ang pagkakaibigan nila at ayon ang isang bagay na ayokong mawala sa'min. Ito na lang pinanghahawakan ko at hindi ko hahayaan na mawala 'yon.
Namalayan ko na lang na nasa tapat na kami ng bahay namin ng makita ko ang isa sa mga katulong namin sa labas kaya tinanggal ko ang seatbelt ko at kinuha ang bag ko. Nang lalabas na ako ay nilingon ko si Reo na nakatingin din pala sa akin at pinagmamasdan ako. Lihim akong napalunok ng magtama ang tingin naming dalawa. Nagpanggap akong kalmado para hindi ako makitaan ng kaba sa muhka.
"Salamat sa paghatid, Reo." kalmadong sabi ko. Mabuti na lang hindi ako nautal sa sobrang kaba.
"You're welcome." sabi n'ya habang nakatingin pa rin sa akin kaya tumikhim ako at umiwas ng tingin.
"Una na 'ko."
"Okay." kaya agad kong binuksan ang pinto at lumabas. Nang isasara ko na ang pinto ay narinig ko s'yang magsalita kaya tinignan ko s'ya.
"Are you free tomorrow?" tanong n'ya kaya medyo nagulat ako at agad na kinalma ang sarili.
"Why?"
"Nothing."
"Really?"
Napabuntong hininga s'ya sa sinabi ko.
"I need your help. I need to buy something."
Kumunot ang noo ko sinabi n'ya.
"Something? Ano naman 'yang 'something' na 'yan?"
"It's a gift. Kaya kailangan ko ang tulong mo."
Kaya tumango ako.
"Okay. What time?"
"After class."
"Maaga dismissal namin."
"Can you wait, then?"
Napatigil ako at napa-isip sa sinabi n'ya.
"Uhm... can I go home first?"
"Okay, I'll fetch you tomorrow then."
Agad akong umalma.
"H-Hindi na!" Kaya kumunot ang noo n'ya sa sinabi ko.
"Why?"
"Magkita na lang tayo sa harap ng school. Do'n na lang kita hihintayin. Medyo hassle kasi kung dadaan ka pa rito, e."
Ang bahay namin ay malayo sa Mall kesa sa school namin kaya hassle talaga kung susunduin pa n'ya ako. Atsaka madadaan din naman ang school namin kapag sinundo n'ya ako rito sa bahay kaya mas magandang sa may school na lang kami magkita.
"Papahatid na lang ako sa driver papunta sa school tapos sasabay na lang ako sa'yo papunta sa Mall, okay?" nakangiting sabi ko. Napabuntong hininga na lamang s'ya.
"Okay." Kaya lalong lumapad ang ngiti ko.
"Great!" At kinawayan s'ya. "So, see you tomorrow."
"Yeah. See you tomorrow." nakangiting sabi n'ya.
"Take care and drive safely, okay?"
"I will."
Kaya umayos ako ng tayo at sinara ang pinto ng kotse. Tinignan ko ang sasakyan n'ya hanggang sa makaalis na ito sa harap ko. Nang mawala na ito sa paningin ko ay pumasok na ako sa loob. Pagkapasok ko sa loob ay sumalubong sa akin ang isang katiwala kaya nagtataka ko itong tinignan.
"Miss, pinapatawag po kayo sa study room ng ama n'yo." mahinhing sabi n'ya kaya tumango ako at binigay sa kan'ya ang gamit ko.
"P'wede bang ikaw ang magdala ng gamit ko sa kwarto?" tanong ko sa kan'ya at agad naman itong tumango.
"Sige po." At kinuha ang bag ko.
"Mauna na 'ko." Sabi ko at naglakad papuntang study room ni Daddy sa likod ng hagdan.
Kumatok muna ako ng tatlong beses at binuksan ang pinto. Nakita ko si Daddy sa table nito na may mga pinipirmahang papeles at halatang hindi pa n'ya alam ang presensya ko kaya sinara ko ang pinto at lumapit sa kan'ya.
"Dad..." tawag ko sa kan'ya kaya nag-angat s'ya ng tingin at hininto ang mga ginagawa.
"Pinapatawag n'yo raw po ako?" Tanong ko sa kan'ya kaya tumango naman ito at iminuwestra ang upuan sa harapan ko kaya umupo ako roon at tinignan lang s'ya.
Seryosong seryoso kasi ang muhka ni Daddy kaya medyo kinakabahan ako sa sasabihin nito sa akin ngayon. Naalala ko naman na wala akong ginawang kalokohan kaya hindi ko alam kung bakit seryoso ang itsura ni Daddy ngayon at sobrang bigat ng atmosphere sa loob ng study room.
"Dad... is there something wrong?" nag-aalalang tanong ko.
"Reese..." tawag sa akin ni Daddy kaya napa-ayos ako ng upo. Kapag kasi tinawag na ako nito sa pangalan ko at hindi sa mga sweet endearment n'ya sa akin ay seryoso na ang pag-uusapan kaya lalo akong kinabahan.
"It's about..." at huminga s'ya ng malalim. "your Mom's last will..."
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Daddy.
"Uhm... about it?" takang tanong ko.
"In her last will and testament, she want you to marry someone."