Pinagpapawisan ang mga kamay ko at kinakabahan ako. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at parang lalabas na 'to sa loob ng katawan ko dahil sa sobrang kaba. Pero nakapagdesisyon na ko. Wala ng atrasan. Para 'to kay Mommy, atsaka baka sila rin ang makatulong namin sa company ni Mommy. Pinikit ko ang mga mata ko at bumuntong hininga ulit ako para ikalma ang sarili ko at tinignan ulit si Daddy na nakatingin lamang sa akin. Wala akong mabasang emosyon sa muhka n'ya.
"About the arranged marriage..." pagkasabi ko pa lang no'n ay umayos ng upo si Dad at seryosong tumingin sa akin.
"What about it?"
Napatungo ako at napatingin sa mga kamay ko na nasa kandungan ko.
"Nakapagdesisyon na po ako." mahinang sabi ko pero alam kong narinig ni Dad 'yon dahil rin sa sobrang tahimik dito sa study room n'ya.
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa at ramdam na ramdam ko ang tingin sa akin ni Dad.
"What's your desicion?" marahang tanong n'ya kaya nakagat ko ang ibabang labi ko at tumingin sa kan'ya.
"Pumapayag na ho ako..." nanlaki ang mata ni Dad sa sinabi ko. Bakas na bakas ang gulat at pagtataka sa muhka n'ya.
"Dad, I accept the marriage because of Mom. Mom gave everything to us-- to me. Even in her last breathe, that's why I want to do this. Even though she's not here anymore. Atsaka sa tingin ko naman po matutulungan nila tayo sa business ni Mommy kaya bakit po hindi ako papayag, 'di ba?" mahinang sabi sa dulo.
Well, Mom's business is restaurants and cafe's at iniisip kong mas palaguin pa 'yon kapag naka-graduate na ako. May alam naman ako pagdating sa pagbu-business dahil na-train naman ako ni Mommy sadyang mas nagfocus lang ako sa pagluluto para may mas matutunan pa ako pagdating sa paggawa. Atsaka naisip ko na baka kapag naikasal nga ako sa anak ng kaibigan ni Mom baka makatulong sila sa business ni Mommy. Atsaka ayoko ng mas pahirapan pa si Dad, ayon na lang naman kasi ang huling hiling ni Mom na minsan lang n'yang gawin kaya hindi na ako magtataka kung bakit n'ya gustong gawin pero alam kong nahirapan din s'yang magdesisyon dahil anak n'ya ako, alam n'ya ang mararamdaman ko kaya masaya pa rin ako na naisip ni Dad kung ano man ang mararamdaman ko kung sakaling pumayag man s'ya na hindi ako sasabihan.
"A... are you s-sure, Reese?" nauutal na tanong ni Dad, halatang gulat na gulat sa sinabi ko.
Kaya nginitian ko s'ya ng matamis. Nang makikita n'ya sa mga ngiti ko na okay lang sa akin ang desisyon kong 'to.
"Yes, Dad." kaya bumuntong hininga s'ya.
"Okay, sasabihin ko na sa kanila. Para magkita na rin kayo ng maaga."
"Sige po, kakausapin ko pa po si Ryzk tungkol dito."
"Ako na ang magsasabi nito sa Ate mo. Sige na, umakyat ka na at magpahinga."
Kaya tumayo ako at lumapit kay Dad sabay halik sa pisngi n'ya.
"Akyat na po ako." tumango lang si Dad bilang sagot kaya tumalikod na ako at lumabas ng office n'ya.
Agad akong umakyat ng kwarto ko at nagpalit ng damit. Napaupo ako sa gilid ng kama ko at nagtakip ng muhka gamit ang mga palad ko. Siguro naman tama ang naging desisyon kong tanggapin 'yon. Wala naman sigurong mangyayari 'di ba? Magiging okay siguro ang lahat. Hindi naman ako ipagkakatiwala ni Mom sa kanila kung sasaktan nila ako 'di ba?
Napa-angat ako ng tingin ng marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko si Ryzk na seryoso ang muhka na nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang tumulo ang luha ko kaya agad s'ya lumapit sa akin at niyakap ako kaya isinubsob ko ang muhka ko sa tyan n'ya.
"Pumayag ako, Ryzk... pumayag ako." sambit ko at naramdaman ko na lamang na humigpit ang yakap n'ya sa akin.
"Kinakabahan ako, Ryzk." umiiyak na sabi ko sa kan'ya.
"I'm here." pag-aalo n'ya sa akin habang hinahagod ang likod ko.
Ilang oras akong umiyak sa kan'ya kaya ilang oras din n'ya akong yakap pero wala s'yang ibang sinabi. Inalo lang n'ya ako at ipinaramdam sa'kin na nandyan s'ya sa tabi ko. Kaya nagpapasalamat talaga ako na nandito s'ya. Nang kumalma na ako ay humiwalay s'ya sa akin at pinunasan ang muhka ko dahil basang-basa ako dahil sa kakaiyak. Inilapit n'ya ang muhka sa akin at hinalikan ako sa noo ng ilang segundo bago humiwalay.
"I'm here, so, don't worry, okay?" nakangiting sabi n'ya na kaya napangiti na rin ako at tumango.
"Good, let's go, we're going to eat. It's dinner time." sabi n'ya at inalalayan akong tumayo at iginaya ako papalabas ng kwarto ko.
Naka-akbay lang s'ya sa akin hanggang sa makarating kami sa dinning area kung saan naghihintay sa'min si Dad atsaka si Ate. Pinaghila pa ako ni Ryzk ng upuan ng makalapit na kami kaya agad akong umupo. Umupo na rin s'ya sa tabi ko, s'ya pa ang nag-asikaso sa akin habang ako ay nanonood lang sa ginagawa n'ya. Nang matapos s'ya ay ang sarili naman n'ya ang inasikaso n'ya kaya kumain na ako habang kumakain ay nagsalita si Daddy.
"We're going to have a dinner meeting with them tomorrow. Get ready, okay?" kaya napatingin ako sa kan'ya.
"Bukas na po agad?" gulat na tanong ko. napabuntong hininga s'ya.
"Yes, pinatagal lang namin dahil hinihintay nila ang desisyon mo."
"So, pumayag din pala s'ya. Kailan pa po nalaman nung lalake?"
"I don't know, princess."
Napanbuntong hininga na lamang ako. Makikita ko na s'ya bukas na bukas din. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba kaya lihim kong pinapakalma ang sarili ko. Naramdaman ko naman na hinawakan ni Ryzk ang kamay ko kaya napatingin ako sa kan'ya at nginitian naman n'ya at pinisil ang kamay ko kaya nginitian ko rin s'ya. Sana maging maayos bukas.
Naglalakad ako papunta ngayon sa cafeteria dahil napag-usapan namin ni Ryzk na sabay kami kakain sa break time. Pagkapasok ko sa cafeteria ay naririnig ko ang tawanan at pag-uusap ng mga estudyante rito. Mabuti na lang din nakita ko si Ryzk sa lagi nitong pwesto, sa may sulok ng cafeteria, kaya agad ko s'yang nilapitan. Nang maramadam n'yang may umupo sa harap n'ya ay tumigil s'ya sa pagbabasa at nag-angat nang tingin.
"Sabi ni Ate sasabay raw s'ya sa'tin. Ewan ko lang kung matutuloy pagsabay n'ya sa'tin." sabi ko sa kan'ya ng pagtuunan n'ya ako ng pansin. Napansin ko na saglit s'yang sumulyap sa likod at tumingin sa'kin.
"Sasabay ako, wala kang tiwala sa'kin." rinig kong sabi ng kung sino at umupo sa tabi ko kaya nilingon ko ito at nakita si Ate. Ito pa lang yung tinignan ni Ryzk sa likod ko.
"Sorry naman, baka kasi may biglang mangyari na emergency kaya hindi ka na naman makasabay." nakasimangot na sabi ko.
"At ano namang emergency 'yon?" masungit na tanong n'ya at inirapan ako.
"Malay ko sa'yo."
"Kung meron man, wala ka na don." masungit din na sabi n'ya kaya inirapan ko rin s'ya.
"Sus! Ate, don't me. Boyfriend mo ata yang sinasabi mong emergency e." gulat na gulat naman s'yang napatingin sa akin at hinampas ako sa balikat kaya napahawak ako ron at sinamaan s'ya ng tingin.
"Hoy! Wala ako no'n kaya tigil-tigilan mo ko ah." sabi n'ya sa akin at hinarap si Ryzk na natatawa na lamang sa'min.
"Ikaw, lalake, ilayo-layo mo sa'kin 'tong kakambal mo baka ibitin ko 'to patiwarik." gigil na sabi ni Ate habang tinuturo ako kaya nagpipigil akong matawa. Si Ryzk naman ay naiiling na lamang.
"Bibili na ako ng pagkain, the usual?" taanong n'ya sa amin kaya sabay kaming tumango ni Ate sa kan'ya kaya umalis na s'ya.
Habang hinihintay si Ryzk ay nagpatuloy lang ang bangayan naming dalawa ni Ate.
"Ate, ba't hindi ka pa kasi magboyfriend?"
"Pake mo ba?" pasaring na sabi n'ya.
"Malapit ka na kayang lumagpas sa kalendaryo. Wala ka pa ring jowa."
"Tigil-tigilan mo ko, Jael ah! Bibigwasan na kita." nagbabantang sabi n'ya.
"Sige, subukan mo, maraming estudyanteng makakakita." pananakot ko sa kan'ya.
"Hindi mo ko matatakot. Alam na nila na kapag may nangyaring ganon ibig sabihin nagbangayan na naman tayo." masungit na sabi n'ya kaya natawa na lang ako.
Totoo naman kasi ang sinabi n'ya kapag talaga na nakikita nila na naghampasan na kami ni Ate, matik ng ibig sabihin nun na nagbabangayan kami. Naalala ko non nung una nilang makita na hinampas ako ni Ate sa balikat ay talagang nakarating 'yon kila Daddy kaya ang nangyari ay nag-explain kami sa kanila dahil sinasabihan si Ate na hindi s'ya professional pero kasalanan ko naman kasi talaga 'yon kasi lagi ko s'yang inaaway kaya sa sobrang pikon n'ya sa'kin nawawala pagiging professional n'ya kahit anong pagpipigil n'ya kaya sinabi namin na totoong professional s'ya sadyang ganun lang kami maglambingan pero nagsorry naman kami sa actions namin kaya naging okay lang din. Kaya simula nun kapag nakikita nila kaming ganun it's either hindi na nila kami papansinin o matatawa na lang sila sa amin dahil ganun pala talaga kaming dalawa.
Pagkadating ni Ryzk dalawa ang pagkain namin ay kasama na n'ya si Reo kaya bumilis na naman ang t***k ng puso ko. Gan'to na lang palagi ang nararamdaman ko kapag nakikita ko s'ya kaya kinakalma ko ang sarili ko para umayos ang sarili ko.
"Hi, Reese." nakangiting bati sa'kin ni Reo pagka-upo n'ya sa harapan ko katabi ni Ryzk.
"Hello." nakangiting bati ko sa kan'ya pabalik kaya bumaling naman s'ya kay Ate Eryn na katabi ko.
"Good morning, Miss Eryn." nakangiting napailing si Ate sa pagbati ni Reo.
"Good morning. Kumain na tayo at nagugutom na ko." kaya nagsimula na kaming kumain.
Napabuntong hininga na lamang ako sa kaba habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Nakasuot ako ngayon blue dress aboce the knee na hapit na hapit sa may bandang bewang ko. Nasuot naman ako ng beige suede high heels. Nakalagay lang ang wavy kong buhok, hindi ko na ito itinali dahil sa tingin ko ay mas bagay naman kung nakalugay ako dahil sa wavy kong buhok. Light make up lang ang nilagay ko sa muhka ko.
Nang makita ayos na ang itsura ko sa salamin ay kinuha ko na ang gamit ko at lumabas na ng kwarto ko. Habang pababa ako ng hagdan ay nakita kong nag-uusap-usap sila sa may sala nang marinig nila ang pagbaba ko dahil sa suot kong heels ay lumingin sila sa direksyon ko. May maliit na ngiti kay Dad at Ate habang hindi ko naman mabasa ang expression ng muhka ni Ryzk.
Nakasuot si Ate ng peach dress above the knee, cream stilletos, naka-light make up lang din s'ya at nakakulot naman ang dulo ng buhok n'ya na nakalugay. Si Dad naman ay nakasuot ng long sleeves polo na kulay white, nakatupi pa ang sleeves nito hanggang siko, nakasuot s'ya ng black leather shoes at maayos ang buhok nito. Ganun din naman si Ryzk, nakaayos ang buhok, nakasuot ng navy blue long sleeves na nakatupi hanggang siko at nakasuot ng black leather shoes.
Pagkalabas namin ng bahay ay agad kaming sumakay sa sasakyan na kanina pa kami hinihintay. Habang nakaupo ako sa tabi ni Ryzk ay nanlalamig ang kamay ko na napansin naman n'ya kaya hinawakan n'ya ito dahilan para lingunin ko s'ya. Binigyan n'ya ako ng isang ngiti at pinisil ang kamay ko na hawak n'ya na parang sinasabi na nandito lang s'ya para sa'kin kaya napangiti na rin ako.
Pagkarating namin sa restaurant kung saan namin sila kikitain ay mas lalo akong kinabahan. Habang inaalalayan ako ni Ryzk bumaba nang sasakyan ay alam kong naramdaman n'ya ang panlalamig ng kamay ko kaya hinigpitan n'ya ang paghawak sa kamay ng makababa na ako. Hindi ko na masyadong mapagtuunan ng pansin kung anong nangyayari sa paligid ko sa sobrang kaba ko basta ang alam ko kang ay naglalakad kami papalapit sa isang pinto na mas lalong nagpakaba sa akin habang tinitignan ko ito.
Parang nagslow motion ang paligid ng buksan nila ang pinto kaya nang makita ko kung sino ang nasa loob ay natulos ako sa kinatatayuan at parang tumigil ang mundo ko sa nakita.
Bakit?
S'ya ang mapapangasawa ko?