"Reese..." Kinabahan ako sa tono ng pagsasalita ni Dad. Nandito kaming apat sa may opisina n'ya rito sa bahay. Hindi ko alam kung bakit kami pinatawag ni Dad. Basta ang sabi n'ya ay may sasabihin daw ito sa amin. "Pinapapunta ka ng tita Mika mo sa Canada." natulala ako sa sinabi ni Dad. Si tita Mika ay ang kapatid ni Mom, ampon lang ito pero hindi nila iyon pinaramdaman sa kan'ya. Gusto pa kasi nila lolo't lola na magka-anak noon pero hindi na sila nabiyayaan kaya naisapan na lamang nila na mag-ampon na lamang. Si Tita ay naging chef din katulad ni Mom. Sa Canada ito naka-base ngayon dahil nakapangasawa ito ng Canadian kaya doon sila na nanirahan ngayon. Napalunok ako sa sinabi ni Dad. "Bakit daw po?" nag-aalalangang tanong ko. "Gusto ka raw n'ya turuan ng mga natutunan n'ya sa Mommy

