Naisipan namin ni Ryzk na dalhin si Aku sa espesyal na lugar, and this time kasama na sina Ate at Dad. Pupunta kami sa Mi Refugio Seguro, Mom's safe haven. Gusto namin na ipakita sa kan'ya ang paboritong lugar ng kan'yang Lola. "Sa'n tayo punta, Mama?" tanong sa akin ni Aku habang pababa kami ng hagdan. "Pupunta tayo sa paboritong lugar ng Lola mo." Kumunot ang noo n'ya sa pagtataka. "Saan po 'yon?" Nginitian ko s'ya. "It's a secret, baby. Makikita mo mamaya at alam kong magugustuhan mo ro'n. "Maganda po... ba do'n?" tanong n'ya ulit. Masaya akong tumango sa kan'ya. "Yes, baby. Sobrang ganda." Napahagikgik s'ya. "I'm excited!" Natawa na lamang ako. Nasa sala na silang tatlo at kami na lamang ni Aku ang hinihintay. Pagkalapit namin ay agad na tumakbo si Aku sa Lolo n'ya. "Lolo,

