Malapit na namin matapos ang pagdedekorasyon sa gymnasium. Ang iba rito ay tapos na at dino-double check na lamang nila kung sakaling magkaroon ng problema. Napatingin ako sa paligid, masasabi kong ito na siguro yung maganda na na-decorate namin. Enchanted forest. Gusto kasi namin na maging magical ang last school year namin dito sa VU kaya ito ang napili naming theme na pinayagan naman ng nakakataas. Kaya sobrang saya naman dahil dito. Napatingin ako sa mga kasamahan ko at nakitang nagliligpit na sila para makauwi na rin kami dahil nine P.M. na kami natapos. Gusto kasi namin na bukas ay konting ayos na lang at double checking sa mga decorations para hindi kami hagol sa lahat. Tumulong na ko sa pag-aayos nila para mapadali ang gawain namin. Nang matapos na kami ay pumalakpak ako na nag

