Chapter 5

1720 Words
Maraming estudyanteng nakatingin sa amin pero wala lamang 'yon sa amin dahil alam naman nila na magkaibigan lamang kami. Lagi na kasi nila akong nakikita na inaakbayan ni Reo atsaka ni Ryzk kaya nasanay na rin sila. Nang makapasok kami sa cafeteria ay agad naming nakita si Ryzk sa may bandang sulok ng cafeteria at nagbabasa ng libro. Well, lagi kasing doon ang pwesto n'ya kaya makikita kaagad namin s'ya. Kaya nilapitan namin s'ya at nakita ko na may mga pagkain na sa harap n'ya kaya agad akong umupo sa tabi n'ya at siniksik s'ya kaya umurong naman s'ya habang nagbabasa pa rin ng libro. "Yes, lasagna! Here I come!" nakangiting sabi ko at hinatak ang tupperware ng lasagna at inilapit ito sa akin. Napansin kong umiling na lamang si Ryzk sa ginawa ko at nangingiti naman si Reo pero hindi ko na lamang 'yon pinansin at kumain na lamang. Napansin kong hindi kumakain si Ryzk kaya binalingan ko ito at kinalabit. Tinaasan lamang n'ya ako ng kilay habang nakatutok sa libro ang mata n'ya. "Kumain ka na?" tanong ko sa kan'ya pero umiling lamang ito kaya lumapit ako sa kan'ya at kinagat ang balikat n'ya kaya napalayo ito at hinimas ang braso. "s**t! Reese!" sabi n'ya kaya umayos ako ng upo at tinaasan s'ya ng kilay. "Minumura mo ko?" masungit na tanong ko sa kan'ya kaya umayos naman s'ya ng upo at tumikhim. "No! Of course not." sabi n'ya kaya tumango-tango ako. "Gusto mo subuan kita?" malambing na tanong ko sa kan'ya nung una ay tinitigan muna n'ya ako bago s'ya bumuntong hininga s'ya at tumango. Kaya agad kong kinuha ang isa pang lasagna at kutsara. Paborito kasi namin ang lasagna, dito talaga kami pinakanagkakasundo. As in. Agad akong kumuha ng lasagna at isinubo ito kay Ryzk na bumalik na naman sa pagbabasasa pagkatapos ay ako naman ang kumain. Salit-salitan lang ang ginawa ko, susubuan ko s'ya tapos susubuan ko naman ang sarili ko. Gano'n ang nangyari pagkatapos namin kumain. Inabot ko sa kan'ya ang baso ng iced tea at agad naman s'yang uminom rito kaya uminom na rin ako ng iced tea ko. Pagkatapos naming kumaing tatlo ay inilagay namin sa tray na nasa mesa ang mga kalat at pinagkainan namin. Nang maayos na namin ay tumayo na kami. Si Ryzk ay sinara na ang libro na binabasa n'ya at umakbay sa akin. Habang naglalakad kami palabas ng cafeteria ay magkakatabi kaming tatlo, si Ryzk nasa kanan ko habang naka-akbay sa akin at si Reo na nasa kaliwa ko at nakapamulsa. Nang makapasok kaming tatlo sa elevator ay tahimik lamang kami. Nang makarating na kami sa tamang floor ay agad kaming lumabas pero biglang humarap sa amin si Reo kaya napatigil kami sa paglalakad. "Ryzk, ako na maghahatid kay Reese sa classroom n'ya para makapagbasa ka." sabi ni Reo kaya nagkatinginan kami ni Ryzk at nararamdaman ko na namang bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi uso kumalma? Ihahatid ka lang naman. "Okay lang?" tanong n'ya sa akin kaya tumango ako. "Yeah. It's fine." sabi ko kaya inalis n'ya na ang pagkaka-akbay sa akin. "I'll go ahead, then." sabi n'ya at lumakad papaalis papunta sa classroom nila. Kaya naiwan naman kami ni Reo. Hinawakan n'ya ang kamay ko kaya bumilis ang pintig ng puso ko. Kapag talaga may gagawin s'ya ay bumibilis ang pintig ng puso ko, ayaw kumalma. Pinapaalala sa'kin kung gaano ko s'ya kagusto. Habang naglalakad kami papunta sa classroom ko ay kinausap ko s'ya. "Ahm... Reo," tawag ko sa kan'ya sandali n'ya akong sinulyapan at tumingin ulit sa nilalakaran namin. "Yes?" "Pwede bang..." sabi ko at bumuntong hininga. "Pwedeng bang?" pag-uulit n'ya. "Pwede bang samahan mo kong bumili ng ingredients para sa cake na gagawin ko para kay tita Grace? Hindi kasi tayo nakabili kahapon." medyo nahihiyang sabi ko. "Nakakapagtakang sa'kin ka nagpapasama?" tanong n'ya pero napansin ko nangingiti s'ya. "Ah... Kasi busy si Ryzk, sabi n'ya bibisitahin n'ya raw s'ya." napalunok ako dahil naalala ko na naman s'ya. Hindi ko pa s'ya nabibisita ulit. Tumango s'ya. "Sure. After class?" tanong n'ya. "Yep. After class." sabi ko. "Susunduin na lang kita sa classroom mo." sabi n'ya at huminto sabay harap sa akin kaya huminto na rin ako dahil hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa harap ng classroom ko. "Hindi mo na ko kailangan sunduin dito sa room." sabi ko. "Why?" "Kasi maaga ang uwian ko kesa sa inyo ni Ryzk." nakangiting sabi ko. "Sunduin mo na lang ako sa cafe d'yan sa harap ng school. Do'n na lang kita hihintayin." "Okay. If you say so." kibit-balikat na sabi ni Reo. "Pasok ka na. I'll see you later." "Okay, see you." nakangiting sabi ko at pumasok sa loob ng room. Pagkapasok ko ay umupo agad ako sa upuan ko ng biglang yumakap sa akin si Michelle, seatmate ko at naging kaibigan ko rin. S'ya lang ang matatawag kong totoong kaibigan maliban kay Althea. Lahat naman kasi ng babaeng gustong makipagkaibigan sa'kin halatang may kailangan lang o 'di kaya ay sisiraan s'ya patalikod kapag naging kaibigan ko. Kahit naman na hindi ko rin sila kaibigan ay sinisiraan ako patalikod at palihim. Alam kasi nila na anak ako ng may-ari ng school, natatakot na mapatalsik. "Ba't nangingiti ka r'yan, ha?" nanunuksong sabi ni Michelle at sinundot pa ang tagiliran ko kaya napalayo ako ng kaunti. Hindi ko alam na kanina pa pala ako nakangiti. "Michelle!" saway ko rito. "Ikaw ha! Nakasama mo lang si Reo naging gan'yan ka na. Namumula pa nga ang muhka ko mo e." nanunukso pa ring sabi n'ya. Kaya bigla akong napahawak sa magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi n'ya. Medyo mainit nga ang pisngi ko. "Tigilan mo nga ako!" sabi ko sa kan'ya pero hindi n'ya ako tinigilan at patuloy lang akong tinukso. Tumigil lang s'ya ng biglang pumasok ang professor namin kaya nagsi-ayos kami. "Pwede na kayong magsi-uwi." sabi ng professor namin at umalis kaya masasayang mga nag-alisan ang mga kaklase ko matapos ayusin ang mga upuan. Mabuti na lang ay napapanatiling malinis ang mga kwarto rito sa school. Nililinis lang ulit ng mga janitor at janitress para masiguro ang kalinisan. Nang makalabas na ako ng room ay agad akong pumunta sa elevator sakto namang bumukas ito at may tatlong babaeng estudyante akong makakasabay nginitian ko sila at agad akong pumasok. Nang makapunta na sa tamang floor ay umalis ako kaagad at lumabas ng school. Nang papatawid na ako ay may mga estudyante rin akong mga nakasabay. Nang makarating ako sa harap ng cafe ay agad akong pumasok, narinig ang tunog ng bell sa taas ng pinto hudyat na may pumasok na bagong customer. Buti na lang ay wala masyadong customer kaya nakahanap agad ako ng pwesto malapit sa may glass wall na makikita ang labas. May waiter agad na lumapit sa akin at nag-abot ng menu kaya agad ko itong tinanggap at naghanap ng ma-oorder habang naghihintay. Nang makapili ay tinawag ko ang waiter at ibinigay ang order. Agad din itong umalis ng ulitin ang order ko. Habang naghihintay ay biglang nahagip ng paningin ko ang babae at lalakeng naglalakad sa labas, magkahawak ang kamay at nagtatawanan. Mararanasan ko kaya ang gan'yang relasyon? Kung tatanggapin ko kaya ang arrange marriage na 'yon, magiging gan'yan din kaya kami kasaya? Matututunan ko kayang mahalin ang lalakeng ipinagkasundo sa'kin? Magkakasundo kaya kami? Napabuntong hininga ako sa mga naisip. Kinakabahan din sa magiging pagkikita namin kahit matagal pa 'yon. Hindi ko talaga alam ang gagawin. May part sa'kin na gustong pumayag kaso merong part sa'kin na ayaw. Kaya kailangan na 'yong pag-isipan ng maayos. Naramdaman kong merong may nagpatong ng kung ano sa balikat ko kaya napatingin ako sa naglagay at nakitang si Reo pala 'yon na nilagay sa balikat ko blazer n'ya. Umupo s'ya sa harap ko kaya napa-ayos ako ng upo. Do'n ko lang napansin na nilagay na pala ang nga order ko sa mesa na hindi ko man lang namalayan sa sobrang lalim ng iniisip ko. "Ang lalim ng iniisip mo, ayos ka lang?" tanong n'ya sa akin at inilapit ang cheesecake na inorder ko para sa'kin pati ang mango shake. "Hmm... ayos lang." sabi ko at kumain ng cheesecake. S'ya naman ay nakatitig lang sa akin habang hinahalo ang kape n'ya. "Sure?" tanong n'ya at uminom ng kape n'ya kaya tumango naman ako bilang sagot. "By the way, tama naman ang coffee na in-order ko 'di ba?" tanong ko sa kan'ya at tumango naman s'ya habang kumakain ng tuna sandwich, alam kong paborito n'yan kaya ayan ang in-order ko para sa kan'ya. Hindi muna kami nag-usap at kumain lang kaming dalawa. Habang kumakain kami napapansin ko pang may mga babaeng tumitingin kay Reo, si Reo naman para walang pake. Parang sanay na s'ya na pinagtitinginan s'ya ng mga babae rito sa cafe. Pati ata mga babaeng staff dito sa cafe ay hindi mapigilan na mapatingin sa kan'ya. Hindi ko naman kasi sila mapipigilan dahil totoong gwapo naman ang lalakeng nasa harap ko. Medyo magulo ang itim na buhok, makapal ang kilay, mahaba ang pilik-mata, brown naman ang kulay ng mata n'ya, matangos ang ilong, mapula ang may kinipisan n'yang labi. Kaya sino ang hindi hahanga sa kan'ya? "Grabe! Anong ginawa na mo sa kanila?" mahinang tanong ko sa kan'ya kaya kumunot ang noo n'ya. "What?" mahina ring tanong n'ya. "Kanina pa sila nakatingin sa'yo. Ako 'yong naiilang at nahihiya e." sabi ko at napakamot sa noo ko. "Don't mind them." sabi n'ya kaya napabuntong hininga na lamang ako. Ang hirap naman kasi ng may gwapo kang kasama. So, paanong hindi ko sila mapapansin gayong mapapansin talaga ang pagtingin-tingin at bulungan nila tungkol sa kan'ya? Nang matapos na kaming kumain ay tinawag ko agad ang waiter para magbayad kaso ng magbabayad na ako ay pinigilan naman ako ni Reo kaya napakunot ang noo ko ng tignan s'ya. "Ako na ang magbabayad." sabi n'ya at maglalabas na sana ng pera ng tampalin ko ang kamay n'ya kaya natigilan s'ya at gulat na tumingin sa akin. "Ako ang magbabayad." madiing sabi ko at naglabas agad ng pera at inipit ito sa kulay na itim na clipboard na maliit at inabot ito sa waiter. Nando'n na rin ang tip na para sa waiter kaya ng umalis ito ay matamis kong nginitian si Reo. "Let's go?" sabi ko at kinuha ang gamit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD