PAGTAPOS ng kaniyang kaarawan ay aminin man niya o hindi malaki ang pinagbago ng pakikitungo nila sa isa't isa ni Treyton. Bagaman para sa binata ay malaking kahihiyan para dito ang nangyari nang gabing iyon ay alam nitong wala na itong magagawa. Malaki rin ang pinagbago ni Storm, na hindi alam ni Fay kung ikatutuwa ba niya o hindi dahil palagi itong nakabuntot kung saan man siya magpunta. "Guys, ano? Tuloy pa ba itong group study natin o hindi?" tanong ni Candice sa kanila, kasalukuyan silang palabas ng classroom nila. "So, stop na ba?" tanong muli nito nang walang sinoman sa kanila ang umiimik. "Tuloy natin. Tara, doon na lang tayo sa amin," mabilis na aya naman niya. Napatingin sa kaniya si Treyton at nakita naman niyang kumislap ang mga mata ni Candice. "Sure! Tara na, nami-miss k

