NANG naipasok na ng maid ang pagkain sa silid ni Storm kasama ang request niyang steak knife ay agad niyang itinago ang kutsilyo pagtapos ay kinuha niya ang plato ng steak at itinapon iyon sa trash can para hindi maghinala ang mga ito. Sa gabing iyon ay isasagawa niya ang plano niyang makatakas, time to time ay may nag-che-check sa kaniya sa loob kaya iyon ang balak niyang tiyempuhan. Kaya naman naisipan niyang magtago sa loob ng walk-in closet niya. Wala na siyang ibang maisip kundi ito at sana nga maging matakumpay ang plano niya. Hindi nga siya nagkamali dahil ilang sandali lang ay marinig na siyang nagbukas ng pinto kaya pinatay niya na ang ilaw sa loob ng closet at mas humigpit ang pagkakahawak niya sa steak knife. Hindi siya sanay sa ganoon kaya hindi rin niya maiwasan ang kabahan,

