PAGTAPOS nila kumain ay aalis na sana sila Fay para makaiwas sa mas malaking gulo pero gusto raw siyang makausap nang masinsinan ng Tito Greg niya. Kaya wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod dito sa study room nito kasama si Storm at si Genevieve. Naiwan ang mga bata sa Mama niya. Ilang sandali muna silang nanahimik at pinapakiramdaman ang isa’t isa, magkatabi sila ni Storm sa couch habang si Genevieve naman ay nasa harap nila at ang Tito Greg niya ang nasa kabisera noon. If you looked at him, kitang-kita mo ang awtoridad sa itsura pa lang nito. “Fay, sa dalawang taon na pagbabalita mo sa BvN ay aaminin ko sa ‘yong matagal mo na akong pinapahanga,” umpisa nito at hindi nakaiwas sa kaniya ang masamang tingin ni Genevieve maging ang pag-ikot ng mata nito. “Hindi ko alam na ikaw na pal

