Chapter 36

2130 Words

“OH ‘di ba, Treyt? Ganiyan na ka-big time ‘yan si Fay ngayon,” saad ni Candice dahil ikinuwento na nito na nakapasok na siya sa News 8 bilang Field Researcher. “Hindi naman kaya nakapagtataka ‘yon, competitive naman kasi talaga ‘tong si Fay kaya talagang hindi siya mahihirapang maghanap ng trabaho.” “Pero, ikaw, Treyt, saan ka nag-apply?” tanong naman niya rito pagtapos inumin ang juice sa basong hawak niya. Nakaupo lang din sila sa sahig ng salas nila at doon na rin sila kumain ng hapunan. “Nagpasa pa lang ako ng application ko sa BvN, kung tatawagan nila ako baka sa kanila na ako pumasok,” tugon naman ni Treyton. “Wow! Big time pala talaga ‘tong si Treyt, eh, talagang yung big company kaagad ang target,” anas naman ni Candice. “Hindi ko talaga maiwasang hindi mainggit sa inyong dalaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD