TULAD nang naging plano ng ina ni Fay para sa birthday niya ay sa Jack Ridge Resort and Restaurant iyon gaganapin. May malaking parte sa kasaysayan ang lupang kasalukutang kinatatayuan ng Jack Ridge dahil ang lugar na iyon ay naging headquarters ng mga Japanese noong panahon ng World War II.
Nirentahan ni Mr. Sandro Chavez ang buong resort na iyon para lamang sa kaarawan na iyon ni Fay. Maging ang ina nito ay naging abala sa damit na kaniyang susuotin, bagaman ang gusto ng ina ay magsuot siya ng gown dahil ang orihinal na plano ay formal party iyon ngunit sa kagustuhan na rin ni Fay na gawing mas simple ang pagdiriwang na iyon ay napapayag niya ang ina na isang simpleng dress na lang ang kaniyang suotin at casual birthday party na lang ang ganapin.
"Grabe! Ang bongga ng birthday party na ‘to, 'no?" narinig niyang wika ng isang crew doon habang kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang kagandahan ng Davao City sa viewdeck na naroon.
"Ay, oo sinabi mo pa, biruin mo sa Amphitheater lang naman gaganapin yung party pero buong Jack Ridge ang nirentahan," naiiling na tugon naman noong isa habang nakatingin sa salaming hawak nito at inaayusan ang sarili.
"Pero alam mo ba na hindi naman daw totoong anak ni Mr. Sandro Chavez 'yong birthday celebrant? Anak lang daw noong bagong karelasyon niya 'yon!"
"Ay, talaga ba? Grabe, ang suwerte naman ni ate mo girl! Biruin mo ipinaghanda ka ng isang bilyonaryo pagkatapos sa isa pang ganito kagandang lugar." naiiling na sagot pa noong isa.
Dahil sa hindi niya gusto ang mga naririnig ay napagpasyahan niyang pumasok na lang muli sa kaniyang cottage. Bagong magtanghalian ng araw na iyon ay nakapag-check in na sila roon, bagaman ala-sais pa naman ng hapon gaganapin ang pinaka-selebrasyon kaya nakikita rin niya kung paano pinaghahandaan sa mga oras na iyon ang kaarawan niya. Halos ang kaniyang ina rin ang nag-aasikaso ng lahat. Alas singko raw ng hapon ay magdaratingan na ang iba pang mga bisita.
Tanging ang dalawang kaibigan lamang ang inimbitahan niya dahil wala naman siyang ibang kakilala na pwede niyang papuntahin.
At dahil nga sa niretahan naman ang buong lugar ay libreng-libre gamitin ninoman ang anomang parte ng resort na iyon. Magmula rin nang pagplanuhan ang kaniyang kaarawan ay hindi na niya nakita pa si Storm, mukhang sineryoso nito ang sinabi niya na layuan na muna siya nito.
"Fay, maligo ka na at maya-maya lang ay darating na ang pag-aayos sa 'yo," bungad sa kaniya ng ina pagpasok pa lamang niya ng cottage niya. "Kanina pa kita hinahanap, tumawag na kasi sila sa akin na papunta na raw sila."
"Sige po, Ma, maliligo na po ako."
"Sige, at marami pa rin akong aayusin sa labas, maiwan na muna kita riyan," paalam naman nito sa kaniya pagkatapos ay lumabas na rin kaagad.
Hindi man sabihin nito ay nakikita niya ang pressure sa mukha nito na hindi rin niya maintindihan kung bakit.
Tulad ng utos nito ay naligo na siya para pagdating ng beautician na mag-aayos sa kaniya ay nakahanda na siya.
FAY looked at herself meticulously in the full-length mirror in front of her. She seems a fine lady in that color maroon dress she is wearing at that moment.
The dress covers her shoulder entirely and flows down into a fancy square neckline. It's a relaxed fit which makes the dress look comfortable, yet elegant and stylish. Her arms have been covered to only just below her shoulders. Which not only helps accentuate her gorgeous skin, it also keeps the focus on the other parts of the dress. The dress' waist is thin, but it's a tight fit. An elastic band within the dress perfectly highlighted her waist and breaks up the dress nicely. Below the waist the dress widens and has a princess dress style. The dress reaches just below her knee and is the same length all around. She's wearing a kitten heel sandals, gorgeous on their own, an ideal match in the combination with the dress.
"Sobrang ganda naman ng anak ko, manang-mana talaga sa Mama," nakangiting bati sa kaniya ng ina pagpasok pa lang nito ng kaniyang cottage. Isang matamis na ngiti lang ang isinagot niya rito. "Happy birthday, anak! Sa unang pagkakataon na-celebrate natin ang birthday mo, the way I want it to be," isang pahigpit na yakap ang ibinigay nito sa kaniya.
"Thank you, Ma! Kahit hindi talaga ito yung gusto ko, I also appreciate all the efforts you've made just for this day."
"22 years old ka na and by next month graduated ka na. Unti-unti nang natutupad ang mga pangarap natin. Alam ko na sa edad mo na iyan marami ka pang pagdadaanan, at laging mong tatandaan na kahit anong mangyari nandito lang si Mama para sa 'yo," mangiyak-ngiyak na usal nito.
"Ma, huwag mong sabihin na iiyak ka pa," natatawang wika niya rito pagtapos ay humiwalay ito ng pagkakayakap sa kaniya.
"Ano ka ba? Hindi lang kasi ako makapaniwala na napalaki at naalagaan kita ng ganiyan na mag-isa lang ako," nakangiting saad nito pagtapos ay may inilabas itong isang kahon sa bulsa ng suot nito. "Anyway, kaya ako nagpunta rito ay dahil gusto kong ibigay sa 'yo ang regalo kong ito." Inilabas nito mula roon ang isang necklace. Napanganga siya ng makita ang kabuuan noon dahil kamukhang-kamukha iyon ng bracelet na ibinigay naman ni Storm.
"Saan mo 'yan nakuha, Ma?" hindi makapaniwalang tanong niya rito habang isinusuot nito sa kaniya iyon.
"Uhmm. Binili ko 'to sa asawa ng kapatid ni Papa Sandro mo, ito kasi ang negosyo niya at noong makita ko ito ikaw agad ang naisip ko," nakangiting wika pa nito pagtapos ay mataman siyang tiningnan. "Hindi ba? Hindi naman ako nagkamali na babagay nga sa 'yo iyan," mas natutuwang saad nito.
"Thank you, Ma!" saad niya habang nakahawak sa Letter F ng kwintas na iyon.
"So, tara na?" aya nito sa kaniya.
"Sige po, Ma, pakihintay na lang ako sa labas. May kukunin lang po ako saglit," paalam naman niya saka pumasok sa pinakasilid ng cottage na iyon.
Binuksan niya ang bag niya at kinuha roon ang isang kahon. Ang kahon kung saan nakalagay ang bracelet na ibinigay sa kaniya ni Storm, kinuha niya ang bracelet na naroon at isinuot sa sarili.
Kung hindi siya sigurado kung pupunta ang binata sa araw na iyon ngunit kahit papaano ay gusto niyang isipin na kasama niya ito kung sakali mang wala nga ang binata.
Paglabas niya ay naroon ang kaniyang ina at matiyagang naghihintay sa kaniya. Pagdating nila ng Amphitheater ay naroon na lahat ng bisita, karamihan ay ang mga Chavez din.
Sinalubong siya ni Candice at Treyton.
"Happy birthday, ghorl! Grabe, hindi ko naman ine-expect na ganito pala kabongga itong birthday party mo!" tuwang-tuwa na salubong sa kaniya ni Candice, pagtapos ay may inabot ito sa kaniyang isang regalo.
"Salamat, Candice!" masayang tugon din niya.
"Happy birthday, gorgeous lady!" nakangiting bati rin sa kaniya ni Treyton, hindi naman niya maiwasang mamula sa tinuran nitong iyon. "Mamaya ko na lang ibibigay sa 'yo yung regalo ko."
"Salamat! Nakakahiya naman nag-abala pa kayong dalawa."
"Sus, maliit na bagay! Sigurado kasing masasarap ang mga pagkain dito," bulong naman ni Candice kaya natawa na naman siya.
"Okay, let's welcome the birthday celebrant, Ms. Sofia Kiara Ortega," Gulat siyang napalingon sa nagsalita dahil hindi niya inaasahan ang introduction na iyon.
Nagpalakpakan naman ang mga guest na naroon. Kaya wala siyang nagawa kundi tunguhin ang pinaka gitna nag pagtitipon na iyon.
"She is celebrating her 22 years of existence in earth," nagtawanan naman ang nga bisita sa tinuran ng baklang host na iyon. "And we are all here to celebrate it with her!" masayang patuloy pa rin ng host ng event na iyon pagtapos ay iniabot nito sa kaniya ang mic na hawak nito. "A message for everyone?" nakangiting wika nito sa kaniya kaya wala na naman siyang nagawa kundi ang kunin iyon.
"Ahmm," simula niya dahil hindi niya malaman kung ano bang sasabihin. Tumingin siya sa lahat ng taong naroon, hindi maiwasang hanapin ng mga mata niya ang bulto ni Storm ngunit wala ito roon. "Una po sa lahat nagpapasalamat ako kay Mr. Sandro Chavez, dahil sigurado po ako na wala tayong lahat dito ngayon kung hindi dahil sa tulong niya na maging possible ang birthday celebration ko na ito," pagtapos ay tumingin siya ng diretso rito. "Marami pong salamat!" sincere na saad niya pagtapos ay tumingin siya sa ina. "Pangalawa po sa Mama ko, sa 22 years siya yung mag-isa na nagpalaki at nagtaguyod sa akin kaya sobrang thankful ako na mayroon akong ina na kagaya niya, lumaki man akong walang ama ngunit sa buong-buong pagmamahal niya ay napunan noon ang kawalan ng Papa ko sa buhay ko. Ma, thank you sa lahat ng sakripisyo mo," mangiyak-ngiyak na wika niya at nakita rin niya ang pagpatak ng luha nito.
"At sa inyo pong lahat na narito, marami pong salamat!" Iyon lamang at muli niyang ibinigay ang microphone sa host ng event na iyon. Nagpalakpakan naman ang mga taong naroon.
Paalis na siya sa gitna nang biglang may isang lalaking tumakbo papalapit sa host at may ibinulong dito.
"Ah, okay," nakangiting wika ng host at bakas ang kilig sa mukha nito. "May isang taong nais na maisayaw ang ating birthday celebrant." Maang siyang napatingin dito. "Okay, music please," saad nito pagtapos ay biglang namatay ang mga ilaw sa paligid at tanging ang spot light na nasa gitna ng Amphitheater ang ilaw na naroon. Isang malamyos na tinig ang pumailanglang sa buong lugar na iyon.
Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses at hindi niya inaasahan na si Treyton iyon. Nakangiti ito sa kaniya habang kumakanta at naglalakad papalapit. Inilahad nito ang kamay pagkalapit sa kaniya na wari'y nagsasabing nais siyang maisayaw nito.
Kahit naguguluhan ay ngumiti rin siya rito at tinanggap ang kamay nito, naramdaman niyang mahigpit siyang hinapit nito sa kaniyang bewang. Habang patuloy pa rin ito sa pag-awit.
"Ang bawat himig at titig ay para sa iyo..."
Nang matapos ito ay nagpalakpakang muli ang mga taong naroon. Humiwalay ito ng yakap sa kaniya at tumingin ng diretso sa kaniyang mga mata.
"Fay," simula nito habang nakalapit pa rin ang bibig sa mic na hawak. Ngunit bago nito ituloy ang sasabihin ay tumingin muna ito sa kaniyang ina. "Tita, narito ako sa harap ninyong lahat ngayon dahil mayroon po akong gustong sabihin sa anak ninyo at mas lalong higit na rin po sa inyo." Dumungaw naman ang matatamis na ngiti mula sa labi ng kaniyang ina pagtapos ay tumango ito. Pagtapos ay muling tumingin sa kaniya at hinawakan siya sa kamay niya.
"Treyton, para saan ba 'to?" naguguluhan niyang tanong dahil na rin sa kakaibang ngiti ng mga taong nanonood sa kanila ng mg oras na iyon.
"Fay, God knows kung gaano ko pinilit pigilin at itago na lang 'tong nararamdaman ko pero totoo rin pala ang kasabihan na walang lihim na hindi naibubunyag," seryodong panimula nito. "Since high school tayo, iba na yung nararamdaman ko sa 'yo, pakiramdam na mas higit pa sa pagiging magkaibigan lang." Napanganga siya sa sinabi nitong iyon.
"Alam ko hindi mo 'to inaasahan, at alam ko rin na hindi mo 'to matatanggap pero narito ako para lang sabihin sa 'yo na kahit ano'ng mangyari, kahit na hindi mo ko tanggapin, hindi ako magbabago at hindi magbabago yung nararamdaman ko para sa 'yo. Isa lang ang hinihiling ko, Fay," seryosong wika sa kaniya ni Treyton. "Bigyan mo lang ako ng pagkakataon. Isang pagkakataon lang ang hinihingi ko at kung sa pagkakataon na iyon hindi mo naramdaman yung nararamdaman ko para sa 'yo. Pangako, titigil na ako," naluluhang usal nito.
"Treyton..." tanging pagtawag lang sa pangalan nito ang lumabas sa kaniya bibig.
"Hindi mo kailangan sagutin ngayon 'yan, Fay. Alam kong nagulat ka at hindi mo 'to inaasahan pero anuman ang maging desisyon mo. Pangako, tatanggapin ko yun ng buong-buo. Hindi ko na lang kasi siguro kayang itago pa 'to kasi parang sasabog na rin 'to sa dibdib ko, matagal kong pinag-isipan at pinaghandaan ang araw na 'to." Pagtapos ay ibinaba nito ang mic na hawak at yumakap ng mahigpit sa kaniya. "Fay, huwag kang mag-alala hindi ko inuobliga na tapatan mo rin yung nararamdaman ko. Gusto ko lang talagang nalaman mo para kahit paano gumaan yung loob ko at hindi ako nagkamali!" Pagtapos ay muli itong humiwalay ng yakap sa kaniya, hinawakan siya sa magkabilang bakikat niya at tumitig diretso sa mga mata niya. "Yung pag-amin ko sa 'yo para akong nakalaya sa napakatagal na pagkakakulong," nakangiti ito sa kaniya subalit kita niya ang kakaibang lungkot sa mga mata nito.
"Treyton."
"Happy birthday!" tanging nasabi nito bago siya tuluyang talikuran.
"Okay, mukhang pag-uusapan pa nilang mabuti iyon. Dahil mukha hindi inaasahan ni birthday girl ang cofession na iyon," narinig niya wika ng host. "Ang pagkain po pala ay iseserve na lang sa kani-kaniyang table kaya no worries po sa mga bisita natin diyan"
Siya naman ay parang napako sa kinatatayuan niya at hindi malaman kung anong sitwasyon ba ang kinalalagyang niyang iyon ngayon.
Isang malakas na ingay ang pumukaw ng atensiyon ng lahat at karamihan ay nagtayuan na rin. Napatakbo siya malapit sa pinanggalingan ng ingay.
"Ano 'yon?" narinig niyang galit na tanong ni Mr. Chavez.
"Ang lakas naman ng loob niyang mag-celebrate ng ganito!" galit na sigaw ni Storm at patuloy nitong hinahawi ang mga pagkaing nasa buffet table kaya nagkalaglag na lahat ng iyon.
"Storm! Ano bang ginagawa no?" galit na sigaw ni Mr. Chavez.
"Ang ginagawa ko? Kayo! Anong ginagawa niyo?" ganting sigaw ng binata. "Alam mong ngayong araw namatay ang Mama ko pagtapos magdiriwang kayo ng ganito! At ang lakas pa ng loob mo na tanungin ko!" nasapo niya ang bibig sa tinuran nito.
"Strom, tama na 'yan," awat ng isang pinsan nito.
"No, Chase! Huwag kang mamakialam dito," banta naman ni Storm, kitang-kita niya ang kalasingan nito ng mga oras na iyon at kitang-kita niya ang sakit na nararamdaman nito. "Tatandaan ko lahat ng mga mukha nang narito! Lalo ka na, Dad!" sigaw nito sa ama habang hila-hila na ito ng dalawang pinsan nito. "Bitiwan niyo ko!" Galit na iwinaksi nito ang pagkakahawak ng mga pinsan sa magkabilang braso nito. "Kaya kong umalis mag-isa!"
Nasundan na lang niya ang pag-alis nito at sa bawat hakbang nito palayo sa kaniya ay kasabay din noon ang pagpatak ng mga luha niya.