PAGDATING ni Fay sa harapan ng Little Oasis Haven ay naroon na si Candice, agad naman siyang sinalubong nito, hindi na rin maipinta ang mukha ng kaibigan. “Medyo ang tagal mo lang, ghorl, ha!” angal nito sa kaniya habang walang tigil ang kapapaypay sa sarili dahil sa medyo mainit na ang sikat ng araw. At kita na rin ang walang tigil na pagpatak ng pawis nito tanda na may katagalan na talaga itong naghihintay sa kaniya. “Nagbilin pa kasi ako kay Xena tungkol sa mga bata kaya hindi kaagad ako nakaalis,” paliwanag naman niya. “Tara na, pasok na tayo,” aya niya sa kaibigan at nauna na siyang lumakad papasok ng gate. Pagpasok pa lang ay rinig na rinig na nila ang hiyawan ng mga naglalarong bata, hindi niya maintindihan kung bakit parang may biglang kumurot sa puso niya para sa mga batang iyo

